Chapter 3

1437 Words
Keishawn's POV    Kinakabahan man ay nilakasan ko ang loob ko para magtapat sa kaniya. Isang malaking risk itong gagawin ko pero wala na akong pakialam. Kailangan kong masabi sa kaniya ang nararamdaman ko. It's now or never. Sana lang ay bigyan niya ako ng pagkakataon para maipakita at maipadama ko sa kaniya ang nararamdaman ko.    Huminga muna ako ng malalim bago lumapit sa kinauupuan niya, nakaupo ito sa paborito niyang bench sa ilalim ng puno. Mula rito ay naririnig ko na kumakanta siya at pinigilan ko ang sarili kong huminto muna para pakinggan at titigan siya. That sounds so creepy. Alam kong ayaw na ayaw nito ang naiistorbo siya sa pagkanta pero ayoko ng patagalin ito dahil sa ibinalita sa akin ni Chiolo. Ayokong mapunta siya kay Lucas dahil sigurado akong sasaktan lang siya nito. Pero sa piling ko, sinisiguro kong hindi ko siya sasaktan, hindi ko siya paluluhain, pasasayahin ko siya at gagawin ko lahat ng gusto niya, even the impossible things. I will give her thousands reasons to smile, million reasons to live and  billion reasons to love. Ipaparamdam ko sa kaniya kung gaano kasarap ang magmahal at mahalin.    With that thought, nakangiti na akong lumapit sa kaniya. Napansin niya akong palapit at kumunot ang noo nito na para bang sinasabing "You know too well that I do not want anyone to bother me" I just gave her an innocent smile.    Nang makalapit ay tumabi ako sa kaniya. "Hello."    She crossed her arms and arch one brow at me. Ang taray talaga. "Anong ginagawa mo dito? Alam na alam mong ayoko ng istorbo, kahit ba bestfriend kita."    I gulped and sighed. "Sorry, I uh just wanted to tell you something."    "You have one minute."    I gave her a "are you serious look". Pero wala na itong sinabi pa. Okay here goes nothing.    "The first time I saw you years ago, inaamin ko na nakulitan ako sa'yo. Sobrang spoiled brat, lagi tayong nag-aaway and eventually we became bestfriends. Sobrang espesyal mo sa akin Dara, hindi ko alam na may iba pa pala akong nararamdaman sa'yo. Someone, no something made me realize that I cannot look at you the same way again, na hindi na lang kaibigan ang turing ko sa'yo." I paused at tumingin sa kaniya, hindi ko mabasa ang nararamdaman niya dahil blangko ang mukha nito. "Mahal kita Dara, noon pa man. Alam kong nabigla ka pero sana huwag kang magalit, mahal kita sa kabila ng pagiging masungit mo, mahal kita dahil sa sobrang pagmamahal ko sa'yo ay hindi ko na kayang mahalin ang sarili ko, mahal kita at kailangan kita. Mahal kita at hindi ko kayang mawala ka."    Nakatingin lang siya sa akin at walang sinasabi nagsimula na akong kabahan. Baka nga mali ang desisyon ko.    "Dara, magsalita ka naman oh."    Nagulat ako ng biglang napalitan ng galit ang mukha nito at galit na tumayo. "All this time akala ko kaibigan kita, all this time nagtiwala ako na hindi mo sasamantalahin ang pagiging magkaibigan natin, all this time pala ay niloloko mo lang ako! Bakit? Hindi pa ba sapat na magkaibigan lang tayo at gusto mo pa ng higit pa? Bestfriend kita hindi mo dapat ako minahal. Hindi mo ba naisip na baka hindi naman kita mahal? Wala bang halaga sa'yo ang pagkakaibigan natin?"    Masyado akong nagulat at nasaktan sa mga sinasabi niya kaya hindi ako kaagad nakapagsalita.    "You ruined our friendship because of your stupid feelings! Sorry pero hindi kita mahal, kaibigan lang ang turing ko sa'yo and I refuse to be friends with you anymore." Pagkasabi niya noon ay nagmamadali ba itong tumalikod at tumakbo palayo. Sinira ko ang pagiging magkaibigan namin ng dahil sa minahal ko siya, hindi ko naman ito hiniling eh. God, how can I be so selfish? Ngayon ay wala na siya, wala na ang pagiging magkaibigan namin. Wala na siya sa buhay ko.    NAPABANGON ako at napatingin sa paligid. Panaginip lang pala, akala ko totoo na. Akala ko wala na talaga siya. Part of me is happy na lahat ng iyon ay panaginip lang, but the other part of me is broken. Maybe that is the sign na hindi ko ito dapat ituloy, na hindi ako dapat magtapat sa kaniya. Ayokong masira ang friendship namin at lalong ayoko siyang mawala sa buhay ko. Kahit pa hanggang pagiging magkaibigan lang.    Napahilamos ako ng mukha at tumingin sa orasan. Napabuntong-hininga ako ng makitang alas-sais na ng umaga. Hindi na rin pala ako makakatulog. Tumayo na ako at naghanda ng isusuot ko pagkatapos ay pumasok na ng banyo.    ARAW ng performance ni Dara at nandito kami ngayon para panuorin siya. Dapat masaya ako ngayon pero hindi. Ilang hakbang mula sa kinauupuan ko ay si Lucas Villafuerte. Kilala ito dahil sa pagiging isa nitong player ng football. Ang kinaiinis ko ay may hawak itong bulaklak and I have a pretty good guess kung para kanino ito. Lumingon ito sa akin at ngumisi ng nakakaloko. Nakuyom ko ang mga kamao ko. Gustong-gusto ko na itong lapitan at sintukin pero alam kong wala akong karapatan at ayoko ring masira ang araw ni Dara kaya wala akong nagawa kundi samaan lang ito ng tingin na tila ay hindi naman niya ininda. Nagsimula ang program at nawala ang inis ko ng lumabas si Dara. Isang simpleng blue dress lang ang suot nito pero para sa akin ay napakaganda pa rin niya.    Ngumiti ito sa lahat. "Maraming salamat po at nabigyan ako ng pagkakataon para kumanta ngayon sa harapan ninyo. Ang kakantahin ko po ngayon ay para sa inyong lahat."    Nagsimula ng tumugtog ang banda at kumanta na siya. Hindi ko alam kung posible pang madagdagan ang paghanga ko para sa kaniya dahil sa ganda ng boses niya. Pero nawala ang ngiti ko ng maalala ko ang panaginip ko. Ayokong makita ang galit nitong mukha, gusto ko ay lagi lang itong nakangiti at masaya.    Nagpalakpakan ang mga tao ng matapos siyang kumanta pero natigilan ang lahat dahil biglang umakyat ng stage si Lucas at lumapit kay Dara. Nakangiti nitong iniabot ang bulaklak na hawak kay Dara at tinanggap naman ito ng huli at kitang-kita ko kung paano namula ang pisngi nito. Naikuyom ko ang kanang kamao ko. Pinanood ko lang ang pagbaba nila sa stage at paglabas ng gym.    "Uh, 'tol? Masisira mo na 'yung upuan."    Napatingin ako sa arm rest at nakitang bahagya nga itong umangat. "Sorry." Tumayo na ako at naglakad palabas kasunod si Chiolo.    "Ano ng balak mo ngayon 'tol? Hahayaan mo na lang ba na maagaw siya ng iba?"    "Hindi siya maagaw dahil kahit kailan ay hindi siya naging akin."    Didiretso na sana kami sa canteen ng matigilan kami. Nakita kong nag-uusap sila Dara at Lucas. Hinila ko sa isang pader si Chiolo para makinig sa usapan nila.    "'Tol sa susunod konting warning, hindi masarap sa pakiramdam ang hinahampas sa pader. Ano ba kasi-hmm"  Tinakpan ko ang bibig nito at itinuro sila Dara. Tumango ito kaya naman binitawan ko na siya. "Masokista ka na, chismiso ka pa." Bulong nito at sinamaan ko lang siya ng tingin at nakinig sa usapan nila.   "You know Dara, I really like you, like really. Pwede ba kitang ligawan?"    Chiolo whistled and I shushed him. Ilang sandaling hindi nagsalita si Dara pero maya-maya pa ay parang nadurog ang puso ko ng makitang tumango ito.   "Really? Thank you! Pinapangako ko, ipapakita ko sa'yo na dapat mo akong mahalin." Lalo akong nagngitngit ng makitang hinalikan niya si Dara sa noo. Hindi ko na narinig ang iba nilang usapan at nakita ko na lang na tunalikod na si Dara. Nang makalayo na ito ay lumapit ako kay Lucas na agad ngumisi ng makita ako.    "Hey Shawn."    "Stop with the acting, anong plano mo? I swear to God kapag nalaman kong gusto mo lang siyang saktan, I will break that stupid smirk off your face."   "Really? I'd like to see you try." Hinawakan ko ang kuwelyo niya at iniharap sa akin. Magkasing-laki lang kami kaya naman alam kong kaya ko siya.    "Stay away from her or-"    "Or what? You know for a best friend, you are over reacting. Ah, you love her, don't you?"  I stiffened at kinuha niya itong pagkakataon para umalis sa pagkakahawak ko. "I'm right, aren't I? Huwag kang mag-alala, I won't tell her." Tumalikod na ito at wala akong nagawa kundi sundan ito ng tingin. Pero maya-maya ay humarap ulit ito. "At least I have the guts to tell her that I like her huh?" Susundan ko sana ito pero pinigilan ako ni Chiolo. Nang makalayo na ito at tinanggal ko ang braso ko sa pagkakahawal ni Chiolo. Tama si Lucas, wala akong kakayahang umamin. Duwag ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD