Keishawn’s POV Dalawang araw na ang lumipas matapos ang insidente at nalaman kong pumasok pala ang huling tira ko kaya nanalo kami pero hindi na ako pwedeng sumali ulit dahil sa tinamo ko. Nalungkot ako pero wala na akong nagawa pa. Natamaan ng bahagya ang ribs ko na nasiko kaya naman sumakit ito pero ngayon ay hindi na gaano. Bukas ay pwede na akong lumabas sabi ng doctor pero hindi pa pwedeng magpagod. Simula ng dalhin ako rito ay hindi na ako iniwan ni Afa. Inaalagaan niya ako at sinisigurong maayos ang lagay. Maraming bumibisita sa akin pero may isang tao ang inaasahan kong dumating pero ni silip man lang ay hindi pa nito nagawa. Nakakalungkot isipin na wala na talaga siyang pakialam sa akin. Sabagay nga, hindi na kami matalik na magkaibigan hindi ba? Ako naman ang nagpapili sa kani

