Chapter 14 Keishawn’s POV First monthsary namin ni Afa at may hinanda akong surpresa sa kaniya. These past few days ay ipinakita niya sa akin na mahal niya ako at hindi siya nauubusan ng pasensya. Mula rin noong magkabati ulit kami ay hindi ko na binanggit pa sa kaniya si Dara. Gusto kong bigyang pansin at ibuhos ang atensyon ko sa relasyong ito. Mahirap and it will take a lot of time pero handa akong maghintay na tuluyan ko na siyang makalimutan para maibigay ko na ng buo ang puso ko kay Afa. Tinutulungan ako ni Chiolo at Nicole sa surpresa ko para sa kaniya at hindi birong hirap ang inabot ko magawa ko lang ang lahat ng ito. Ayoko kasi ng kain lang sa labas, sine. I’m too romantic for that. Matapos ang mahaba at nakakapagod na preparasyon ay handa na ito. Siniguro ko munang nasa tama

