Keishawn’s POV I’ve never been this happy. I got my best friend back at mayroon pa akong sweet at maaalalahaning girlfriend. Kasalukuyan kami ngayong naghaharutan sa sala namin habang hinihintay ko si Afa. Gusto kong magkakilala silang mabuti ni Dara. Alam kong magkakasundo rin sila. “Laro tayo ng COD ’tol.” Aya sa akin ni Chiolo ng manawa ito sa pang-aasar kay Nicole. Natatawa na lang ako dahil siya ang laging talo. “Next time. Padating na si Afa eh.” Tanggi ko na ikinaikot ng mga mata niya. Tumunog na ang doorbell kaya naman agad akong tumayo at pinuntahan ito. Binuksan ko ang pinto at ang nakangiting mukha ni Afa ang sumalubong sa akin. Pero parang may kakaiba sa kaniya, mukha itong malungkot at wala pang tulog. Agad ko siyang pinapasok. “Ayos ka lang ba Hon?” Nag-aalala kong tano

