Chapter 18 Keishawn’s POV Eighteenth birthday ni Dara ngayon at napag-desisyunan ko ng sabihin sa pamilya namin na nililigawan ko na ito. I still remember when I told Chiolo and Nicole about this. Tumili ng tumili si Nic at kinailangan ko pang takpan ang tenga ko. Si Chiolo naman ay niyakap ako ng mahigpit sabay sabing ‘Finally’. I’ve been doing a lot od efforts ever since. Pinapakita at pinaparamdam ko sa kaniya na seryoso ako, na mahal ko talaga siya. Hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataong ito. Wala akong pakialam kahit pa nagmumukha na akong desperado na sagutin niya because I really am desperate. Hindi ko siya pipilitin na sagutin agad ako, I will wait for her to say yes. Weeks, months or even years. I’ve loved her for years. Ano ba naman ang maghintay pa ako ng ilan? I just ho

