Chapter 20 Keishawn’s POV Ilang linggo na ang nakakaraan ng iwanan kami ng Daddy at mula noon ay naging miserable si Mom. Hindi na siya masyadong kumakain, laging nakatulala at hindi kami kinakausap. Nag-aalala na kami ni Ate sa kalusugan niya, nagsasalitan kami ni Ate sa pag-aalaga sa kaniya para masigurong wala itong gagawing masama. Lalong lumalalim ang nararamdaman kong galit sa aking Ama, alam kaya niya ang nangyayari ngayon kay Mom? Nag-aalala man lang ba siya sa amin, o wala na siyang pakialam? Pinipilit kong hindi maapektuhan ang pag-aaral ko dahil alam kong ako na lang ang pwede pa naming asahan. Mayroon kaming pera sa bangko pero hangga’t maaari ay hindi ko ito ginagamit dahil pero ito ni Daddy. Hindi ko na rin nakakausap masyado si Dara, sa ’di malamang dahilan ay parang ini

