EPISODE 18.

4432 Words
"MEANT TO BE" EPISODE 18. Walang nakapagsalita sa kanilang lima na nagulat sa mga taong hindi nila inasahang makikita. Napakunot din ang mga noo nila na tila nagtatanong kung paanong naroon ang mga ito. “Jastine, anong ginagawa mo dito?.” “CJ, what are you doing here?.” “Grace, anong nangyari sayo?.” Sabay-sabay na tanong ni Kristine kay Jastine, ni Jastine kay CJ at ni Jake kay Grace. Kunot-noong nagkatinginan pa sila pagkatapos. “I'm surprised. I was about to ask you the same.” Sa halip ay saad naman ni CJ kay Jastine na napangisi pa. Lalong napakunot ang noo ni Jastine sa sinabi niya. “Look, I don't care about anyone of you! I'm here for CJ!.” Masungit na saad naman ni Grace at naglakad na rin palapit kay CJ. Wala na ding nagawa si CJ kundi ang mapahilamos ng mukha dahil hindi na niya ito matatakasan pa. “What the hell, CJ! Were you avoiding me?!.” Galit niya pang waksi sa braso ni CJ paharap sa kanya. “Grace, wag kang mag-eskandalo dito.” Saway at lapit naman ni Jake kay Grace. “Tin2x, I heard what happened. Nandito ako para kumustahin ka.. kumustahin kayo.” Kinuha naman itong pagkakataon ni Jastine para kausapin si Kristine dahil silang dalawa nalang ang magkaharap. “Umalis ka na, Jastine. Hindi kita kailangan dito.” Walang emosyong saad naman ni Kristine. “Pwede ba, Jake! Wag kang mangialam dito!.” Yamot namang sigaw ni Grace kay Jake. “Stop this, Grace! Tigilan mo na ako! I had nothing to do with you!.” Yamot din namang sigaw ni CJ kay Grace. Napapatingin na din sa kanila ang mga taong dumadaan. Sinasaway din sila ng iba na hindi mag-ingay. May mangilan-ngilan na ding tumigil at nakiusyuso. “Tin2x, please.. just give me another chance.” “Really CJ? Baka naman gusto mong kaharap pa natin ang kapatid mo bago mo ako kausapin ng maayos?!.” “Grace, tama na. Umuwi na tayo.” Sabay-sabay namang saad nina Jastine, Grace at Jake. Makikita ang iba't-ibang emosyon sa kanilang mukha habang napapalakas na din ang kanilang boses. “Chance? Tapos na ang chance mo Jastine! Niloko mo kami ni Ate Divina! Niloko mo siya! Niloko mo ako!.” “Stop this bullshit, Grace! Kasi kahit anong gawin mo, you will never have me!.” Sabay namang saad nina Kristine at CJ kay Jastine at Grace. Makikita din ang galit sa mga mukha nila. “No! You are mine! Mine alone!.” Tila hysterical namang sigaw ni Grace at pilit na humawak sa braso ni CJ. “Grace ano ba?! Tama na!.” Pero pinigilan at hinawakan nman siya ni Jake sa braso. “Wala ka ng chance Jastine! Dahil ayoko sa mga manlolokong katulad mo!.” Muling sigaw pa ni Kristine kay Jastine. Wala na din kasi talaga siyang nararamdaman para dito. Napahawak naman sa ulo si Jastine at naiiling na parang nababaliw. “Bitawan mo ako! Let me go!.” Hysterical pa ring sigaw ni Grace habang nagpupumiglas kay Jake. Mahigpit naman siyang hinawakan ni Jake habang naiiling naman sa kanya si CJ. “Tin2x, please hear me out! HINDI KO TALAGA MAHAL SI DIVINA! IKAW ANG MAHAL KO!.” Frustrated ng sigaw ni Jastine na hindi na napigilan ang damdamin niya kaya napatigil din sa pagdidiskusyon sina CJ, Grace at Jake. Makikita ang galit sa mga mata ni CJ nang marinig ang sinigaw ni Jastine. Tila lumiliyab din sa galit ang mga mata niya pagkalingon niya dito. “ANONG SABI MO?!.” Gigil na sigaw ni CJ at biglang lumapit kay Jastine. Kinakabahang napalingon naman si Kristine kay CJ. Nakalimutan kasi ni Jastine na nadun si CJ, ang pinsan ni Divina. (AAHH! HA! HA! HA!) Gigil na sinugod at hinawakan ni CJ sa kuwelyo si Jastine at sunod-sunod itong sinuntok sa mukha. “Hmmpf! Argh! Ahmp! Ah!.” Sunod-sunod namang daing ni Jastine na hindi nakaiwas dahil sa gulat. Napalaki din ang mga mata nina Kristine, Jake at Grace na hindi agad nakagalaw. Napahiyaw naman ang mga nakakita dahil sa takot. “CJ! JASTINE!.” Gulat na sigaw naman ni Kristine na napalaki ang mga mata nang matauhan. “Tama na! Agh! Tama na!.” Agad namang napalapit si Jake kay CJ at mahigpit itong hinawakan at inilayo kay Jastine. Nahirapan pa siya dahil sa lakas ni CJ dahil nga sa galit ito. “Aaaarrrrgggghhhh...” Impit na daing pa ni Jastine nang mahawakan siya ni CJ at mahila sa damit. Mabilis na umaksyon naman si Jake at tuluyang nailayo si CJ habang nanghihinang napaluhod naman si Jastine. “CJ, ano ba!.” Gulat pang sigaw ni Kristine kay CJ nang magpumilit pa itong sumugod. Tila natauhan naman si CJ na napasuklay ng buhok habang napapahinga nalang ng malalim. Lumapit din si Grace sa kanya at hinawakan siya sa mukha pero winaksi niya ang kamay nito. Napalapit din si Kristine kay Jastine at hinawakan ito sa balikat. (Prriiiifffftttt!!!.) Dumating naman ang tatlong malalaking guard at kinuha silang lahat para sa pagtatanong. Nakipag-argue pa si Kristine dahil walang bantay ang Nanay at mga kapatid niya pero pinaiwanan nalang din ang kwarto ng isang Nurse kaya lahat sila ay naisama. Dinala sila sa isang kwarto at doon ay pinahintay. Walang salitang nagkakatinginan lang sila. Makikita pa rin ang gigil sa mga mata ni CJ. Makalipas lang ang ilang minuto ay may pumasok na isang taong nagpakilala na Chief ng mga security guards, kasama ang isang Nurse na agad ding inasikaso ang sugat sa mukha ni Jastine. “Dahil sa ginawa niyong kaguluhan. Pwede ko kayong idiretso sa presinto.” Saad ng Chief of security guards. Agad na kinabahan si Kristine dahil sa narinig habang walang pakialam naman si CJ. “Pero bibigyan ko kayo ng pagkakataon, kayo ang papipiliin ko, gusto niyo pa bang ipaabot to sa presinto o dito nalang tayo magkakaayos-ayos?.” Muling saad ng Chief. Agad na pinili nina Jake at Kristine ang pangalawang kondisyon na sinabi ng Chief. Medyo nagmatigas pa sina CJ at Jastine pero nang makita ang galit sa mga mata ni Kristine ay napapayag nalang din sila. “Ngayon, kailangan niyong maghiwa-hiwalay para masiguro nating wala ng second round na magaganap.” Ngiting saad pa ng Chief pagkatapos mapagkamay ang mga ito. Kunot-noong kumontra naman agad sina Jastine at Grace nang sabihin ni CJ na magkasama sila ni Kristine pero wala na silang nagawa ng tumango naman si Kristine. Kaya ang nangyari ay pinauwi sina Jake, Jastine at Grace habang pinabalik naman sina CJ at Kristine sa room 505. Nakapagpaalam naman ng maayos si Jake kay Kristine habang tudo iwas naman ni CJ kay Grace. Pero bago paman yun ay pinagsabihan na din silang wag ng mauulit pa ang nangyari kundi sa presinto na sila pupulutin. Habang pabalik sa kwarto kung saan naka-confine si Wilma ay nagkakahiyaan pa sina CJ at Kristine. Nakasakay din sila sa elevator. “Kristine.” Tawag pansin na ni CJ kay Kristine. Nakasandal siya sa may likuran habang nakatayo naman sa may harap ng kanan niya si Kristine. “Hmmm?.” Sagot naman ni Kristine na hindi lumilingon. “I'm sorry.” Saad pa ni CJ kaya pasimply siyang tiningnan ni Kristine sa peripheral view. “Para saan?.” Tanong naman ni Kristine kahit ramdam niyang kinakabahan siya sa hindi malamang dahilan. “Bakit kasi kailangan mo pang magmaang-maangan kahit alam mo naman kung anong tinutukoy ko? Tsk. Women!.” Medyo pabirong sungit naman ni CJ kaya napatingin na din sa kanya si Kristine nang nakakunot noo. “Hmmmp! Ewan ko sayo!.” Irap pa ni Kristine na nagpangiti kay CJ ng malapad. Hanggang sa makarating sila ng room 505 ay panay ang pamimikon ni CJ kay Kristine na siyang naaasar naman sa kanya. May patawa-tawa pa kasi siya kaya lalo itong naiinis. ⇨⇨⇨⇨⇨ Mabilis na lumipas ang mga araw. At sa bawat paglipas ng araw na walang CJ na nagpapakita sa bahay nila Jennelyn ay siya namang lungkot at pangungulila niya dito. Iba't-ibang scenario na din ang naiisip niyang nangyari sa anak. “Mom, will you please stop being so grumpy? Hayaan niyo na yung CJ na yun kung ayaw niyang umuwi. She's not our lost!.” Saad ni Jansen kay Jennelyn nang makita itong nakatayo sa may balcony at nakatulala. Pero bahagya lang siyang nilingon ni Jennelyn at hindi sinagot. “Mom, we are here. Anak niyo rin naman po kami ah?! Why do we have this feeling that you love that psycho more than us?.” Segundang saad naman ni Josh na tila nanunumbat. Pero sa ikalawang pagkakataon ay hindi sumagot si Jennelyn. “Perhaps, she really doesn't care about us. Don't waste your time na ipagsiksikan ang sarili niyo sa kanya.” Kunot-noong saad naman ni Jayson na ang tinutukoy ay ang ina nila. “Leave me alone if you have nothing good to say!.” Yamot namang sigaw ni Jennelyn sa tatlo kaya inis at walang salitang umalis nalang din ang mga ito. “Baby, where are you? Please come back. I really miss you so bad. And I hope you're doing fine.” Nangungulilang saad pa ni Jennelyn habang nakatingin sa labas ng kanilang bahay. Ilang araw niya na ding pinapahanap si CJ sa mga police na kinonsulta niya pero wala pa ring positive na result mula sa mga ito. ----- Mabilis na lumipas ang mga araw. Mabilis din ang naging pag-galing ni Wilma kaya ngayon ay pwede na silang umuwi. Ito na din ang araw na pinakakinatatakutan ni Kristine dahil kailangan na nilang magbayad. Naipakilala na din ni Kristine ang mga kaibigan niya at si Jake sa Nanay niya nang makapagbisita ang mga ito. At sa kabutihang palad ay maayos na din ang lagay ni Wilma. “Nay, makakauwi na po tayo. Salamat sa Diyos at magaling na po kayo.” Masayang saad ni CJ kay Wilma. “Oo nga Nay, namimiss ko na po ang mga niluluto niyong ulam eh.” Masayang segunda naman ni Vincent. “At siyempre pati ang kanin kuya para kompleto.” Inosenting saad naman ni Wina. “Hahahahaha.” Na siyang ikinatawa nina Wilma, CJ at Vincent. “Oo nga eh. Gusto ko na ring makauwi. Ay nauumay na ako dito kakahiga. Para akong nanghihina dahil walang ginagawa.” Ngiting saad naman ni Wilma sa kanila. “CJ, maiwan ko muna kayo saglit. Kukunin ko lang yung hospital bill natin.” Singit naman ni Kristine na kausap kay CJ. Naisip niya kasing lalapit nalang siya kung kani-kanino kung kinakailangan dahil alam niyang sobrang laki ng kailangan nilang bayaran. “Sige.” Ngiting saad lang din naman ni CJ kaya nagpaalam na din si Kristine sa Nanay niya at umalis. “Naku Nay. Baka ma-stress lang kayo dahil sa kakulitan namin.” Huling rinig pa ni Kristine na sabi ni CJ bago siya tuluyang makalabas ng pinto. Malungkot at kinakabahang naglakad siya papunta sa kung saan kumukuha ng bill. Naiisip niya na ding baka marami-rami siyang kailangang lapitan dahil sa kanilang bill. “Miss, yung bill po ng private room five, zero, five?.” Tanong niya na sa babaeng nandoon. Agad naman nitong chineck ang room number na sinabi niya sa computer. “Ma'am, paid na po yung private room five, zero, five. Pwede na po kayong makaalis kahit anong oras.” Nagulat at nagtaka si Kristine sa sinabi ng babae. “Ah-eh.. Miss, baka nagkamali ka lang. Yung nakapangalan po kay Wilma Amante? Yung nag-undergo po ng brain surgery?.” Muli ay tanong niya pa sa naniniguradong tono. Muli ding napatingin ang babae sa computer. “Opo, ma'am. Mrs. Wilma Amante nga po. Okay na po yung bill niyo. Anonimous po yung nagbayad.” Lalong napanganga si Kristine dahil sa narinig. Ganunpaman ay masaya siya sa nalaman. Tulala at hindi makapaniwalang naglakad din siya pabalik sa room 505. Pagkaalis ni Kristine ay nagpaalam naman si CJ na may pupuntahan lang saglit. Sinabihan kasi siya ng Nurse na pinapupunta siya ni Doc. Lorenz kaya nagpaalam na din siya kay Wilma at umalis. “Uncle, what is it?.” Tanong ni CJ pagkapasok niya ng opisina ni Doc. Lorenz. “CJ, come in.” Pagpapapasok naman sa kanya ni Doc. Lorenz. “Here. It's for you.” Sabay abot ni Doc. Lorenz ng isang supot ng malaking plastic bag na may maraming laman. “What's this, Uncle?.” Tanong naman ni CJ habang binubuksan ang plastic bag. “Clothes. That's for you. I see you're not wearing any descent clothes all throughout your stay here.” Natatawang saad naman ni Doc. Lorenz. “Haha. Thanks Uncle.” Tawang saad naman ni CJ. Pagkatapos nilang magkwentuhan saglit ay nagpaalam na din si CJ na babalik dahil mag-aayos pa sila ng gamit. Bago siya umalis ay sinabihan naman siya ni Doc. Lorenz na wag ng magtagal at umuwi na sa kanila. Pagdating ni Kristine sa loob ng room 505 ay hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang nalaman. Nakatulala pa siya pagpasok. Nandoon na din si CJ sa loob. “Oh Nak? Asan na yung bill natin? Bakit nakatulala ka diyan?.” Takang tanong ni Wilma nang makitang pumasok si Kristine. “N-Nay, b-bayad na daw po eh.” Hindi pa rin makapaniwalang saad ni Kristine. “Ha? Paanong bayad na eh ngayon palang naman tayo aalis?.” Takang tanong pa ni Wilma. Hindi sila makapaniwala sa kanilang nalaman. Ganunpaman ay nagpasalamat nalang sila sa kung sinuman ang nagbayad ng kanilang bill. Laking pasasalamat din ni Kristine sa anonymous dahil alam niyang sobrang laki ng kanilang bill. Tamang-tama namang paglabas nila ng Hospital ay nandoon ang mga kaibigan ni Kristine kasama si Jake na halatang naghihintay sa kanila. Ito din ang naghatid sa kanila sa kanilang bahay. Hindi din alintana ng mga ito kung maliit ang bahay nila dahil hindi naman maaarte ang mga ito. ★★★★★ Araw ng Sabado.. Back to normal na ang buhay nina Wilma. Pero pinagbawalan na muna siya ni Kristine na maglaba para makapagpahinga ng maayos. Naging halos araw-araw na din ang pagpunta ni Jake sa bahay nila Kristine dahil sa pagdadalaw nito sa kanya. Nakitaan naman ito ni Kristine ng tiyaga kaya sobrang nagpapasalamat siya dito. “Nay, sa ilog nalang po ako maglalaba kasi marami po tong mga lalabhan ko eh.” Saad ni Kristine kay Wilma nang makapagpahinga siya pagkatapos mananghalian at inayos na ang mga dadalhing labahan. “Nak, tulungan na kasi kita diyan. Aba'y wala na akong ginagawa. Para mo naman akong ginagawang lumpo nito eh.” Reklamong saad naman ni Wilma sa anak. “Nay, wag na po. Kaya ko na po to.” Nakangiting saad naman ni Kristine at kahit ano pang pilit sa kanya ni Wilma ay matigas niya itong inayawan. Pinasama niya na din si CJ na siyang nagbuhat ng mga labahan. Maging ang dalawang bata ay nagpumilit na sumama dahil gustong maligo ng mga ito sa ilog. Ayaw sana ni Kristine kasi walang kasama ang Nanay niya pero ito naman ang nagsabing isama na ang dalawang bata. Pagdating ng ilog ay agad na nagtampisaw ang dalawang bata. Maging si CJ ay malaki ang ngiti na napapa-wooh pa dahil sa excitement. “Gosh! Mukhang tatlong bata pa ata tong kailangan kong bantayan ngayon ah!.” Iiling-iling na saad ni Kristine nang makitang pati si CJ ay napatampisaw na din sa ilog na akala mo first time na makakita ng ganun. “Hahahaha. Atkuy! Hahaha.” Tawang sigaw ni Wina ng basa-basain sila ni CJ. Naglalaro na din silang tatlo. Nagsasabuyan ng tubig. “CJ! Umayos ka diyan! Wag kayong masyadong maglilikot! Bantayan mo ding mabuti ang dalawang bata!.” Sungit na saad naman ni Kristine na tila Nanay ng tatlo. Tumango lang din naman si CJ bilang sagot. Makalipas ang ilang oras ay malapit na ding matapos sa pagsasabon si Kristine. Sumasakit na din ang likod niya kakaupo. “Ay! Ay ano ba! CJ!.” Habang patuloy sa pagsasabon si Kristine ay di sinasadyang nabasa siya dahil sa kalikutan ni CJ kakatakbo kahit napapatumba. “Aaaarrrggghhhh! Sabi ko naman sayong wag kang masyadong maglilikot eh!.” Yamot pang sigaw ni Kristine na napatayo pa mula sa pagkakaupo. “Patay.” “Galit na si Ate.” Sabay na saad naman ni Vincent at Wina na natigilan din. Maging si CJ ay kinabahan din at hindi nakapagsalita. “Bakit kasi ang kulit mo! Ahrm!.” Sungit pang saad ni Kristine at tinapon ang hawak na sinasabunang short kay CJ. Tumama naman ito sa mukha ni CJ at pumadausdos dahilan para maiwan ang bula sa mukha nito. “Hm-hmmmm hahahahaha.” Pero sa halip na magalit pa ay napatawa naman si Kristine sa mukha ni CJ nang hindi na mapigilan ang sarili niya. “Ah pinagtatawanan mo ako ah.” Saad naman ni CJ at nagsimulang maglakad palapit kay Kristine. “C-CJ! A-Anong gagawin mo?! U-Umayos ka! Ma-Magagalit a-ako sayo!.” Galit-galitan pang sigaw ni Kristine habang napapaatras at namimilog ang mga mata. Hindi naman pinansin ni CJ ang pananakot ni Kristine na agad itong nilapitan at binuhat mula sa likod ng sinubukan nitong tumakbo. “AAYYY!! C-CJ BITAWAN MO AKO!.” Gulat pang sigaw ni Kristine na pinagpapalo ang kamay ni CJ na nakapaikot sa bewang niya habang binibitbit siya nito papunta sa malalim na bahagi ng ilog. “Hahahahaha go Atkuy!.” “Kaya mo yan, Atkuy! Hahaha.” Sabay na cheer naman ng dalawang bata na nanunuod lang. “AAAARRRRGGGGHHHH! CJ!.” Sigaw pa ni Kristine habang tawa naman ng tawa si CJ. Lalo pang napasigaw si Kristine nang maramdaman na niya ang lamig ng tubig dahil nasa malalim na parte na sila ng ilog. Napaharap na din siya kay CJ at pinagpapalo ito nang lumuwang ang hawak nito sa kanya at nakaapak na siya sa ilalim ng tubig-ilog. “Hahahaha.” Tatawa-tawa naman si CJ habang pinagpapalo siya ni Kristine. “Hahaha stop. Maliligo lang naman tayo eh. Haha.” Natatawang saad pa ni CJ. “Aaarrggh! Kainis ka naman kasi eh! Ang lamig!.” Medyo inis ng saad ni Kristine. Hindi niya din alam kung bakit pero tila natunaw ang galit niya ng makitang tawa ng tawa si CJ. Pagkapunas nila ng kanilang mukha gamit ang kanilang kamay ay saka lang din nila narealize na magkadikit ang kanilang katawan. Nakahawak si CJ sa bewang ni Kristine habang nakahawak naman si Kristine sa may balikat ni CJ. Nagkatitigan silang dalawa. Napalunok naman ng laway si Kristine dahil sa paraan ng pagtingin ni CJ sa kanya na nagseryoso na din. Gusto niyang umiwas ng tingin dahil naiilang siya pero hindi niya naman magawa. Hanggang sa makita niyang palapit na ng palapit ang mukha ni CJ sa mukha niya. Hindi niya alam kung anong gagawin at tila naestatwa pa siya sa kanyang kinatatayuan. Lumakas din ang kabog ng puso niya. Nang sobrang lapit na ng labi ni CJ sa labi ni Kristine. “Ate! Atkuy!.” Agad na napabitaw si Kristine kay CJ at napaatras ng marinig ang pagtawag ni Vincent. “Ah.. Eh..” “Hmmmm..” Nagkailangan pa silang dalawa. Napakagat labi nalang din si Kristine at nagpasyang umalis at bumalik sa paglalaba niya. Naiwan naman si CJ na napakamot ng ulo at napangiwi. “What did I do?.” Ngiwing tanong pa ni CJ sa sarili niya. Hanggang sa matapos sa paglalaba si Kristine at sa pagligo sina CJ at ang dalawang bata ay hindi na muli pang nag-usap ang dalawa na naiilang pa rin sa isa't-isa. Medyo madilim na nang matapos sa paglalaba si Kristine. Masayang naglalakad pauwi ang dalawang bata habang walang imik naman sina CJ at Kristine na iniiwasang mapatingin sa isa't-isa. Bitbit din ni CJ ang mga nilabhan. Pagdating nila Kristine ng bahay ay nagulat pa sila nang makita si Jake na nakaupo sa may sala. Napatingin pa si Kristine kay CJ pagkakita kay Jake. Agad namang napatayo si Jake nang makita si Kristine at inabot ang bulaklak na dala niya para dito. “Oh nak, andito na pala kayo.” Pansin naman ni Wilma kay CJ nang pumasok na ito. Nasa kusina kasi siya at nagpapaksiw ng isda. “Thank you. Kanina ka pa ba?.” Simpleng saad at tanong lang din naman ni Kristine kay Jake. “Ah opo, Nay. Saan ko po ilalagay tong mga nilabhan, Nay?.” Saad at tanong naman ni CJ kay Wilma. “Hindi naman. Kadadating ko lang.” Ngiting sagot naman ni Jake kaya tumango na din si Kristine. Pinaupo niya na din muna ito at nagpaalam na magbibihis na muna siya. “Diyan mo nalang sa labas, Nak. Ako ng magsasampay niyan mamaya.” Ngiting saad naman ni Wilma kaya tumango nalang din si CJ. Pagkatapos magbihis ay umupo na si Kristine para makausap si Jake. Si CJ naman pagkatapos magbihis ay nagpasyang lumabas. “Nay, manunuod lang po ako ng basketball.” Paalam ni CJ kay Wilma kaya napatingin din sa kanya si Kristine. “Sige, Nak. Wag ka lang magtagal ah at kakain na tayo.” Sagot naman ni Wilma na tinanguan naman ni CJ. Pagdating sa basketball court ay may mangilan-ngilan ngang naroon. Karamihan ay mga binata. May mga naglalaro din pero pustahan lang. Napabuntong hininga si CJ nang maalala ang paglalaro niya ng basketball. Tatlong linggo na siya kina Kristine, namimiss niya na din ang dating buhay niya. Nag-usap ng kung ano-ano sina Kristine at Jake. Napapangiti nalang din si Kristine sa kakulitan ni Jake. Kung ano-ano kasi ang maisipan nitong ikwento. “So paano? I think it's already late. Mauna na ako, Tine.” Paalam na ni Jake makalipas ang ilang minuto nilang pagkwekwentuhan. Tumayo na din siya at nagmano kay Wilma nang magpaalam siya dito. “Kain na muna tayo bago ka umalis.” Aya naman ni Kristine. “Wag na. Busog pa naman ako eh.” Ngiting ganti naman ni Jake. Napatango nalang din si Kristine sa kanya. Hinatid pa siya nito hanggang sa may pinto ng bahay kaya naglakad na din siya papunta sa may di-kalayuan kung saan naroon ang kotse niya. Makalipas lang din ang ilang minuto ay buntong-hiningang tumayo si CJ para bumalik ng bahay. Hindi niya kasi gusto ang mga naglalaro. “Sana umalis na yung kwagong yun sa bahay.” Bulong niya pa habang naglalakad. Pero napatigil sa paghakbang si CJ at hindi naman naituloy ni Jake ang pagpasok sa kotse nang magkatinginan sila. Muling sinara ni Jake ang pinto ng kotse niya at nakangising lumapit kay CJ. Napatingin pa siya sa may di-kalayuan ng bahay nila Kristine para masigurong hindi ito nakasilip. Napakunot naman ang noo ni CJ nang lumapit si Jake sa kanya. “Hoy? Akala mo siguro hindi ko napapansin noh?.” Antipatikong saad ni Jake kay CJ habang nakaturo pa dito. Lalong napakunot ang noo ni CJ sa ugaling pinakita nito. “Alam kong may gusto ka kay Kristine! Gago ka! Makikipagkompetensya ka pa sakin! Ikaw na pipitsugin?! Haha.” Ngising tawa pa nito. “Hindi ko alam ang sinasabi mo.” Saad lang naman ni CJ na nagsimula ng humakbang paalis. “Maghintay ka naman.” Napatigil sa paghakbang si CJ at napatingin dito. “Maghintay kang pagsawaan ko muna si Kristine bago ko siya ibigay sayo! Ha-ha. Gusto ko lang kasi siyang tikman eh! Masarap kasi kapag wala pang karanasan. Ha-ha-ha.” Saad pa nito na tumawa na parang manyak. Napakuyom ng kamao si CJ at nagdilim ang paningin niya dahil sa narinig. Hindi niya akalaing may masama pala itong intensyon kay Kristine. “AAAHHHG!.” Gigil na sigaw sabay suntok ni CJ sa mukha ni Jake. “Hmmpf!.” Napatumba naman si Jake dahil hindi nito inasahan ang gagawin ni CJ. Muli siyang nilapitan ni CJ at sunod-sunod na sinuntok sa katawan at mukha. “Hrmpf! Ahmf! Argh! Ahmp!.” Sunod-sunod namang daing ni Jake. Napalaki naman ang mga mata ng mga taong nakakita ng nangyayari. Hindi nila magawang mangialam sa takot na baka madamay. Nagsasandok si Kristine ng kanin nang biglang may dumating na binata na hingal at tila hinahabol. “A-Ate Tine, yu-yung bi-bisita niyo di-tong gwapo, ma-may binubugbog.” Utal-utal pa nitong saad. “Ano? Saan?.” Gulat na tanong naman ni Kristine. Maging si Wilma ay nagulat din sa kanyang narinig. “Doon po.” Turo naman ng binata. “Nay, dito lang po muna kayo.” Saad naman ni Kristine kay Wilma at nagmadaling sumama sa binata para pumunta kung saan naroroon si CJ. Habang gigil at patuloy na sinusuntok ni CJ si Jake ay hindi naman ito lumalaban na tila nasisiyahan pa. “C-CJ!.” Gulat pang sigaw ni Kristine at mabilis na hinila si CJ palayo kay Jake. “CJ, ano bang problema mo?!.” Galit pang tanong ni Kristine kay CJ na hingal na hingal pa dahil sa pagsuntok. Napaupo naman si Jake at pinunasan ang dugo niya sa may bibig. Napatingin naman si Kristine kay Jake at nakitang bugbog sarado ito at maiyak-iyak pa sa sakit na nararamdaman. “Jake? Jake?.” Hawak pa ni Kristine sa magkabilang pisngi ni Jake saka dahan-dahan itong inalalayan patayo. “Aaaarrrrgggghhhh...” Impit na daing naman ni Jake na napapahawak sa may tiyan niya. Gigil na napatingin naman si CJ dito dahil sa galing nitong umarte. “Jake, ano bang nangyari?.” Nagtatakang tanong pa ni Kristine. “Si-Sinabi k-ko lang naman s-sa kanyang i-ingatan ka eh. H-Hindi ko alam pero b-bigla niya akong si-sinugod at binugbog.” Hirap na saad pa ni Jake na patuloy na dumadaing. “Anong sabi mo?!.” Gigil na saad naman ni CJ at sinubukang muling lumapit kay Jake. “CJ, ANO BA! TUMIGIL KA NA!.” Pero napaatras siya nang sigawan siya ni Kristine. “Wag mo sabihing maniniwala ka d---” “Alam mo, CJ?! Sumusobra ka na! Lahat nalang ng bagay dinadaan mo sa pambubugbog! Kung magiging ganito ka lang din naman ang mabuti pa ay UMALIS KA NA! BUMALIK KA NA SA INYO!.” Galit pang putol ni Kristine sa sasabihin ni CJ. Nasaktan naman si CJ sa narinig at napatitig kay Kristine. “UMALIS KA NA SA BAHAY NAMIN! UMALIS KA NA SA BUHAY NAMIN! BUMALIK KA NA SA INYO!.” Malakas pang sigaw ni Kristine na siyang narinig at naabutan naman ni Wilma. Napatingin si CJ kay Jake at nakitang pasimply siya nitong nginisihan. “Nak!.” Saway naman ni Wilma sa gigil na si Kristine. Napatitig naman si CJ sa mga mata ni Kristine saka dahan-dahang umatras at umalis. Nasaktan siya sa sinabi nito. Tinawag pa ni Wilma si CJ pero walang lingon-likod itong tumakbo paalis. ~ ~ ~ ⇨acacabas_019ツ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD