“MEANT TO BE”
EPISODE 13.
◆General's POV.◆
Kinabukasan, araw ng sabado, kasalukuyang nasa kwarto si Kristine at tinitingnan ang kanyang alkansya. Malungkot na napatulala siya dahil konti palang ang naiipon niyang pera para sa operasyon ng kanyang Nanay. Napabuntong hininga din siya sa isiping kahit sampung trabaho pa ang merun siya ay hindi ito magiging sapat.
“Haaayyy... Sino ba ang pwede kong utangan?.”
Buntong-hiningang bulong pa ni Kristine. Bigla namang pumasok sa isip niya ang mukha ng kanyang mga kaibigan.
“No. Hindi pwede. B-Baka ano pang isipin ng mga tao.”
Iling na bulong pa ni Kristine na masyadong mataas ang pride.
“Tine? Tine?.”
Rinig na tawag ni Kristine sa labas ng kanilang bahay kaya napalabas na din siya ng kwarto.
“Ui Tine, tara na. Nandoon na sa bahay si Pedro eh. Inaayos niya na ang mga isdang dadalhin niya sa merkado para sa pagbebenta natin.”
Saad pa ni Aling Lina pagkakita kay Kristine.
“Sige po, Aling Lina. Susunod po ako kaagad.”
Ngiting sagot naman ni Kristine kaya umalis na din si Aling Lina.
Pagkatapos ibalik ang alkansya niya sa pinagtaguan nito ay agad na umalis si Kristine ng bahay. Sinara niya nalang din ang pinto dahil ang kanyang Nanay ay pumunta kay Aling Mayeth kasama ang dalawa niyang kapatid.
Kasalukuyang papunta sa bahay ni Aling Mayeth sina Wilma kasama ang dalawa niyang anak na si Vincent at Wina.
“Nay, punta po tayo sa ilog. Gusto po naming maligo dun eh. Di ba nangako po kayo samin nung isang araw?.”
Malambing na saad ng inosenting batang si Wina. Minsan kasi ay sa ilog siya naglalaba kapag marami ang nagpapalaba sa kanya.
“Nak, hindi pwede. Kapag marami nalang yung labahan ni Nanay.”
Malambing na sagot naman ni Wilma. Medyo malayo din kasi ang ilog sa kanila kaya minsan lang dito naglalaba si Wilma.
Nalungkot naman ang bata sa naging sagot ng kanyang Nanay. Inakbayan nalang din ito ng kapatid nitong si Vincent. Pagdating sa bahay ni Aling Mayeth ay nakahanda na ang mga labahan nito na nakalagay sa isang malaking tray.
“Wilma, ito na oh. Mamaya nalang din ang bayad pagkabalik mo. Isasabay ko na pati yung naunang dalawang beses na paglalaba mo.”
Saad ni Aling Mayeth kay Wilma.
“Sige, Mayeth. Alis na kami.”
Saad naman ni Wilma kaya umalis na din sila habang bitbit niya ang tray na may mga labahan.
Habang pauwi sila Wilma ay napatingin siya sa anak niyang si Wina at napansin ang pagkawala ng sigla nito. Nakahawak ito sa laylayan ng kanyang damit.
“Haaayyy.. Oo na, sige na.”
Saad ni Wilma at napabuntong hininga na siyang nagpatigil sa paglalakad ng dalawa. Takang napalingon din ang mga ito sa kanya.
“Sige na sa ilog na ako maglalaba nang makaligo kayo.”
Ngiting saad na ni Wilma. Agad namang lumiwanag ang mukha ng dalawang bata.
“YEEHHEEYY!!.”
Masayang sigaw ng mga ito na napapatalon pa.
“Hep! Hep!.”
Napatigil ang dalawa at muling napatingin kay Wilma.
“Basta mangako kayong makikinig kayo sakin at hindi kayo magpapasaway.”
Saad pa ni Wilma dahil may pagkakulit din ang mga ito.
“Opo, Nay!.”
Masayang sigaw pa ni Wina na malaki ang ngiti habang tumango naman si Vincent. Naglakad na din sila papuntang ilog.
Pagdating sa ilog ay agad na umupo si Wilma kung saan siya laging pumupwesto. Agad namang nagtampisaw sa mababaw na parte ng ilog ang dalawang bata.
“Wag kayong lalayo ah. Baka mapunta kayo sa malalim. Vincent, bantayan mo ng maigi ang kapatid mo.”
Laging paalala ni Wilma sa mga anak sa tuwing nandoon sila. Tumango naman ang dalawa na masayang nagsasabuyan na ng tubig-ilog.
“Ahahaha. Ah-haha. Kuya! Hahaha kuya!.”
Masayang tawa ng batang si Wina dahil binabasa siya ng kanyang kuya. Nagkukulitan na din kasi ang mga ito.
Napapangiti naman si Wilma habang naglalaba dahil sa kanyang nakikita. Naalala niya din kasi ang panahong maliit pa si Kristine. Mahilig din kasi itong maligo sa ilog. Sa katunayan ay may nakilala pa itong bata nang dahil doon sa ilog na kinaroroonan nila.
Habang nag-aalmusal ang pamilyang Sandoval ay hindi na naman maipinta ang mukha ng padre de pamilya na si Christian.
“Where's CJ?.”
Kunot-noong tanong pa ni Christian na nakatingin sa kanyang asawang si Jennelyn.
“She must have been so busy on her studies or projects. Let her be. We must give her time.”
Simpleng saad naman ng maybahay na si Jennelyn.
“You do really support her on her stupid actions, don't you?.”
Patutyang saad naman ni Christian na napapailing pa.
Napatigil sa pagsubo si Jennelyn at napatingin sa asawa habang tahimik na kumakain naman ang tatlo nilang anak na mga lalaki na unti-unting nararamdaman ang tensyon sa pagitan ng kanilang mga magulang.
“Supporting her on whatever she desire is the best thing I could give as a PARENT.”
Mahinahong saad naman ni Jennelyn emphasizing the word "PARENT".
“Guiding her to a wrong path which could lead her to a total disgrace is NOT!.”
Mahina at madiing salungat naman ni Christian emphasizing the word "NOT".
Napatigil naman sa pagsubo ang tatlong magkakapatid dahil sa naging klase ng pag-uusap ng dalawa. Nakayuko lang din ang mga ito at kinakabahan.
“You don't know what does a future holds, Christian. As I can see it, my daughter could be better compared to you. No matter what gender preference she had chosen.”
Sumama ang mukha ni Christian dahil sa sinabi ng asawa.
“What did you say?! Better?! Huh! Just simply being her is far from that word! You must be insane, Jennelyn!.”
Yamot ng saad ni Christian na napatayo pa at napapailing.
“Stop being homophobic Christian! You're the one who's insane!.”
Iiling-iling ding saad ni Jennelyn na napatayo na rin.
“Know what? Lately, I just realized the reason behind of this behavior of yours. And it's not really about our daughter. It's about us! You're not supposed to be surprised why we end up like this, Christian! We both know that our marriage would turn out this way. We both know!.”
Mahinahon pero madiing saad pa ni Jennelyn saka umalis ng wala manlang paalam.
“Just so you know, Jennelyn. This coming Monday will be the first day of your beloved DAUGHTER to University of Sto. Niño! Yes, you heard it right! Everything's settled!.”
Saad pa ni Christian habang nakakuyom ang mga kamao. Napatigil naman si Jennelyn at bahagya lang siyang sinulyapan bago tuluyang umakyat ng hagdan.
Natigilan din ang tatlo at nagkatinginan sa isa't-isa. Gusto nilang magtanong kung anong ibig sabihin ng kanilang ina pero natatakot naman sila.
Maya-maya'y yamot na tinapon din ni Christian ang table napkin sa mesa saka tumalikod at umalis.
Habang nasa merkado sina Kristine ay tila wala naman siya sa focus dahil sa kakaisip sa kanyang mga problema. Ganunpaman ay hindi naman siya naging pabaya sa pagbebenta ng mga isda. Sa tagal-tagal niya na kasi sa trabaho ay may mga suki na din siya.
“Hi, Tine.”
Medyo nagulat si Kristine sa biglang paglitaw ni Marco. Kapag wala kasi itong laro ng basketball ay nasa merkado din ito at nagtatrabaho.
“Oh. Hi din Marco.”
Ngiting bati din naman dito ni Kristine.
“Mukhang madami na kayong benta ah. Magaling ka talagang mang-uto ng mga suki.”
Birong saad pa ni Marco at nangingiti.
“Haha hindi ako nang-uuto noh. Sadyang maganda lang ako kaya nahahatak sila dito. Haha.”
Ganting biro naman ni Kristine na natatawa.
At dahil nagtambay nalang din naman sa pwesto nila si Marco ay tinulungan na din siya nito sa paghahatak ng mga suki. Gwapo itong binata kaya naman may mangilan-ngilang dalaga din ang nabili sa kanila dahil dito.
Malapit ng matapos sa paglalaba si Wilma nang bigla siyang mapatingin sa paligid dahil hindi na niya naririnig ang ingay ng dalawa niyang anak.
“Vincent?! Wina?!.”
Agad siyang napatayo nang makitang wala sa paligid ang dalawa at pasigaw na tinawag ang pangalan ng mga ito.
“VINCENT?! WINA?!.”
Mas malakas pang sigaw ni Wilma na unti-unti na ding kinabahan. Nagpalakad-lakad na din siya. Dahil kasi sa maya't-maya niyang pag-inda sa pagsakit ng kanyang ulo ay nawala ang atensyon niya sa mga ito.
Hinanap ni Wilma ang dalawa niyang anak habang sumisigaw. Napapasuot din siya sa mga tagong parte sa pagbabakasaling nandoon ang mga ito.
“Kuya, patay na.”
Saad ng inosenting batang si Wina habang nakatingin sa isang taong walang malay na nakataob sa mga bato habang dinadaluyan ng tubig-ilog.
“Tara sabihin natin kay Nanay.”
Saad naman ni Vincent at hinawakan ang kamay ng kanyang kapatid at umalis.
“VINCENT?! WINA?!.”
Patuloy sa pagsigaw si Wilma habang kinakabahan nang biglang lumitaw ang dalawa niyang anak mula sa may di-kalayuan. Natakpan kasi ang mga ito ng malaking bato kaya hindi niya sila nakita.
“NAY! NAY!.”
Sabay na sigaw naman ng dalawa habang napapalakad-takbo papunta kay Wilma.
“Wina! Vincent!.”
Tila natanggalan naman ng tinik sa lalamunan si Wilma pagkakita sa dalawa. Mahigpit niya ding niyakap ang mga ito pagkalapit dito kahit pa basa ang mga ito.
“Ano ba kayo?! Di ba sabi ko sa inyo na wag kayong lalayo?! Bakit hindi kayo nakikinig sakin?! Paano kung may nangyaring masama sa inyo?!.”
Medyo pagalit na saad pa ni Wilma pero mas nangibabaw ang pag-aalala.
“Pasensya na po kayo, Nay.”
Hinging paumanhin naman ni Vincent at napayuko.
“Nay, may nakita po kaming patay.”
Sa halip ay saad naman ni Wina.
“Patay? Anong patay?.”
Takang tanong naman ni Wilma.
“Tao po Nay. Doon oh! Tara po.. Dali po..”
Nakaturong saad pa ni Wina kung saan sila galing ng kuya niya at nagmamadaling hinila ang Nanay niya. Nagpatianod naman si Wilma kahit pa nalilito siya.
Gulat na napatingin si Wilma nang makita ang taong nakataob sa may mga bato. Natakot din siyang lapitan ito at suriin pero naglakas loob pa rin siya. Napansin niya din ang malaki nitong sugat sa isang paa.
“Buhay pa siya! Nak, tulungan mo ako! Dali!.”
Saad ni Wilma sa anak niyang si Vincent at dahan-dahan nilang binuhat ang tao.
“Nay, saan natin siya dadalhin?.”
Tanong pa ng inosenting batang si Wina.
“Sa bahay, Nak.”
Simpleng sagot lang din naman ni Wilma. Sinandal niya din muna ang tao malapit sa pinaglabhan niya at muling inilagay sa tray ang mga nilabhan niya. Umiral kasi kay Wilma ang pagiging matulungin niya kaya hindi niya ito hinayaan.
⇨⇨⇨⇨⇨
Pagsapit ng ala-una ay naubos na din ang mga isdang binibenta nila Kristine sa merkado. Sulit din ang pagod niya dahil naubos na naman ang mga isda nila. Nagpasalamat din silang dalawa ni Marco kay Aling Lina dahil sa isdang binigay nito sa kanila.
“Salamat Marco, naabala ka pa tuloy.”
Ngiting saad ni Kristine kay Marco habang naglalakad sila pauwi.
“Ano ka ba. Alam mo namang hindi ka abala sa akin eh. Ang lakas mo kaya sakin.”
Ngiting saad naman ni Marco.
“Lalo na sa puso ko.”
Mahinang bulong pa ni Marco.
“Ha? Ano yun, Marco?.”
Takang tanong naman ni Kristine nang hindi narinig ang huli nitong sinabi.
“A-ha? Hehe wala. Wala-wala.”
Iling na sagot naman ni Marco na napangiti ng alanganin at napakamot sa ulo.
Tinawanan nalang din naman siya ni Kristine na napailing din dahil sa kanyang inasal. Nag-usap din sila ng kung ano-ano habang pauwi.
Tapos nang punasan ni Wilma ang taong nakita nila sa may ilog. Nabihisan niya na din ito ng damit kaya nalaman niyang babae pala ito. Inihiga din nila ito sa katre na nasa kanilang kwarto.
Pagkatapos niyang bihisan ang anak niyang si Wina ay pinagpatuloy niya din ang mga labahin niya saka sinampay ang mga ito sa likod ng kanilang bahay.
Ilang oras lang ay mabilis na natuyo ang mga nilabhan niya dahil sa matinding sikat ng araw. Agad niyang kinuha ang mga ito at muling inilagay sa tray pagkatapos tupiin.
“Nak, dito na muna kayo. Ihahatid ko lang tong mga nilabhan ko kina Mayeth.”
Saad ni Wilma sa dalawa niyang anak na abala sa paglalaro ng kanilang mga lumang laruan.
“Sige po, Nay.”
“Okay po, Nay.”
Sabay na sagot naman ng dalawang bata.
Nagmadali si Wilma na isuli ang kanyang mga nilabhan kina Mayeth dahil alam niyang magbabayad ito sa kanya. Gusto niya kasing bilhan ng masarap na ulam ang mga anak niya para sa kanilang tanghalian. Ala-una na din pero hindi pa sila nakakakain.
Pagdating ni Wilma sa bahay ni Mayeth at pagkabigay niya dito ng tray ay inabutan na siya nito pera. Nagpasalamat din siya dito saka nagpaalam at umalis. Malaki ang ngiting umuwi ng bahay si Wilma dahil dito.
“Nak, anong gusto niyong ulam?.”
Masayang tanong ni Wilma pagkabungad sa pintuan ng kanilang bahay. Nasa maliit nilang sala kasi naglalaro ang mga anak niya.
“Yeheeeyyy!.”
Masayang sigaw naman ng dalawang bata dahil minsan lang magtanong sa kanila ng ganun ang kanilang Nanay. Napatakbo din sila dito at napayakap.
“Nay, gusto ko po ng fried chicken!.”
“Nay, baboy po!.”
Sabay na sagot nina Wina at Vincent. Natatawang inakay naman ni Wilma ang mga anak niya paloob ng bahay.
“Hrrrmmmmm...”
Mahinang impit na ungol ng taong nasa kwarto nina Wilma habang nakapikit at pabaling-baling ang ulo.
“Hahaha sige-sige. Mamaya bibilhin natin yung gusto niyong ulam. Magsasaing lang muna ako.”
Tawa-tawang saad naman ni Wilma sa dalawa. Tumango naman ang dalawang bata na halatang excited dahil sa laki ng kanilang mga ngiti.
Habang inaasiko ni Wilma ang pagsasaing ay nagulat siya nang biglang dumating si Aling Rosa, ang may-ari ng bahay na kanilang inuupahan.
“Hoy, Wilma! Yung kulang niyong bayaran dito sa upa niyo, asan na?!.”
Malditang bungad ni Aling Rosa kay Wilma na nakapamewang pa. Maging ang dalawang bata ay natakot din at napatago sa likod ni Wilma.
“R-Rosa, wala pa kasi dito yung anak ko eh. Wala akong pera. Hindi pa kita mababayaran. P-Pasensya na.”
Kinakabahang saad naman ni Wilma habang nakahawak sa mga anak niya.
Napataas naman ng kilay si Aling Rosa at napalaki ang ilong ng makaamoy at makita ang perang bumukol sa may bulsa ni Wilma.
“Walang pera ah.”
Taas-kilay pang saad ni Aling Rosa at mabilis na lumapit kay Wilma at dinukot ang pera sa bulsa nito.
“R-Rosa, pambili namin ng pagkain yan. Ma-Maawa ka naman.”
Pakiusap ni Wilma na pilit pang inabot ang pera sa kamay ni Aling Rosa pero mabilis naman itong lumayo sa kanya.
“Rosa, pa-parang awa mo na.”
Muli pang pakiusap ni Wilma pero tila binging walang pakialam naman si Aling Rosa na napangisi pa ng malaki habang binibilang ang pera. Umabot din ito ng limang daang peso dahil ang bayad ito sa kanya ni Mayeth sa loob ng tatlong beses niyang paglalaba dito kasama na ang katatapos niya palang.
“HOY! Wala akong pakialam sa inyo kung wala kayong kakainin! Mas mabuti nang kayo ang magutom, wag lang ako!.”
Pasigaw pang saad ni Aling Rosa, na siyang kinagulat ng mga bata, saka nagsimulang humakbang para lumabas.
“Rosa, p-please naman oh. Ma-Maawa ka na. K-Kahit para lang s-sa mga anak ko.”
Muling pakiusap pa ni Wilma na humawak sa brasok ni Rosa dahilan para mapatigil din ito sa paghakbang.
“ANO BA! BITAWAN MO NGA AKO!.”
Malakas na sigaw naman ni Rosa at malakas na winaksi si Wilma kaya natumba ito paupo sa sahig.
“Hrrrmmm... Hrrrrrmmmmm...”
Muling ungol ng taong nasa loob ng kwarto nila Wilma nang bahagya itong magulat dahil sa malakas na ingay. Dahan-dahan din nitong minulat ang kanyang mga mata.
“Nay!.”
Gulat na napasigaw si Kristine nang sa pagbungad niya sa kanilang pinto ay nasaksihan niya ang pagwaksi ni Aling Rosa sa kanyang Nanay at pagbagsak nito ng malakas sa sahig. Agad siyang napalapit dito at ang mga kapatid niya saka tinulungan itong tumayo. Maging ang isdang hawak niya ay nabitawan niya din.
“Aling Rosa, sumusobra ka na!.”
Galit na harap na ni Kristine kay Aling Rosa.
“Hoy Kristine! Ayusin mo ang pagsasalita mo kung ayaw mong palayasin ko kayo dito! Mga bwesit! Kala mo kung sino!.”
Taas-kilay pang saad ni Rosa saka walang pakialam na umalis habang may pahabol pang pabulong-bulong.
Napatingin si Kristine sa Nanay niya at mga kapatid niya. Tinanong niya din sila kung okay lang ba sila, nang sumagot ang mga ito ng oo ay mahigpit niya silang niyakap.
“Arrrhhh.. Hrmmmm..”
Lahat sila ay napatingin sa pinto ng kwarto nang makarinig ng mahinang ungol mula dito.
Gulat na napalaki ang mga mata ni Kristine nang makita kung sino ang taong nasa pinto ng kanilang kwarto. Maging ito ay napatitig din sa kanya habang nakakunot ang noo at halatang nahihirapan pa.
~
~
~
⇨acacabas_019ツ.