EPISODE 11.

2796 Words
“MEANT TO BE” EPISODE 11. ◆General's POV.◆ Kinaumagahan, napapahawak sa ulo si Kristine habang bahagyang gumagalaw. Hindi niya pa rin magawang dumilat pero ramdam na ramdam niya naman ang konting kirot sa pagitan ng kanyang dalawang hita. “Hrrrmmmm.... Hmmmm...” “Aaarrrggghhh... Hrrrmmmm...” Mahinang ungol ni Kristine at ng katabi niya sa kama habang nakapikit at mabagal na napapalikot. “Hrrrmmm...” Ungol pa ni Kristine na nakatalikod at napasapo sa ulo habang pinipilit na imulat ang mga mata. “Aaarrrggghhh...” Pagkarinig ni Kristine sa ungol na tila hindi galing sa kanya ay mabilis na napadilat ang mga mata niya. May naramdaman din siyang tila mabigat na nakapatong sa kanyang bewang at nakadikit sa kanyang likod. Kinabahan siyang bigla saka dahan-dahang lumingon sa kanyang likod. Lalong napadilat ang mga mata niya nang makitang tama ang hinala niya. Lalong lumakas din ang kabang nararamdaman niya at dahan-dahang inangat ang kumot na nakatakip sa kanila. “Aaaaaahhhhhhhh!!!!!!!!!.” Sigaw niya pa ng makitang wala siyang saplot sa ilalim ng puting kumot at napagtantong lalaki pa ang katabi niya. Napabalikwas ng bangon ang katabi niya dahil sa gulat at ingay habang siya naman ay mahigpit na napahawak sa kumot at tinakpan ang mukha saka patuloy na sumisigaw. “Aaaaahhhhh!!! Aaaaahhhhh!!!.” Patuloy niya pang sigaw. “Hey. Hey. Hey! Will you shut up?.” Saway ng katabi niya at hinawakan siya sa magkabilang braso. Pero sa halip na makinig ay tinulak niya ito, dahilan para mahulog ito sa kama at ma-out balance. “Ouch! Ugh! What the hell!.” Impit na daing nito habang tumatayo at inis na napatingin sa kanya. At dahil dito ay napatingin din siya dito at napatitig. “Ikaw?.” “You?!.” Sabay na saad nilang dalawa ng magkatinginan sila at makilala ang isa't-isa. “A-Anong ginawa mo sakin, ha?!.” Sigaw pa ni Kristine sa nanginginig niyang boses. Ramdam niya na din ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Marami siyang gustong itanong pero hindi niya magawa. “L-Look. I.. I.. I didn't mean anything of this.” Naguguluhan at naaawang saad naman ng kaharap ni Kristine kaya napatingin siya dito ng masama. Hindi niya akalaing ang pinsan ng amo niya na walang modo ay siyang makakauna sa kanya. Oo, ang kasalukuyang kaharap ni Kristine ay walang iba kundi si CJ. “Ang kapal ng mukha mong sabihin sakin yan! Pinagsamantalahan mo ako! Ipapakulong kita!.” Galit na sigaw ni Kristine. “At pwede ba, magdamit ka!.” Pagalit na sigaw pa dito ni Kristine. Nakaboxer lang kasi ito at walang damit pang-itaas. Tumalima naman si CJ at nagsuot ng T-shirt. Panglalaki na din kasi ang katawan niya dahil sa mga iniinom niyang gamot. Mahigpit na hinawakan ni Kristine ang kumot na nakatakip sa h***d niyang katawan. Ramdam niya na din ang panginginig dahil sa mga naiisip niyang nagawa niya na hindi dapat. “H-Hey..” Sinubukan ni CJ na lumapit kay Kristine para pakalmahin ito. “Ouch! Agh! Ow! H-Hey stop!.” Pero sa sobrang galit ni Kristine ay pinaghahampas siya nito. “Ipapakulong kita! Pinagsamantalahan mo ako! Argh! Ah! Ah!.” Patuloy pang hampas ni Kristine kay CJ habang ito ay napapayuko at napapaharang nalang ng kanyang braso. “I said stop it!.” Yamot ng sigaw ni CJ nang mahawakan ang kanang kamay ni Kristine. Ang isang kamay kasi nito ay mahigpit na nakahawak sa kumot. Nagkatitigan pa sila at malalim ang paghinga. “P-Paano kapag na-nabuntis a-ako ha?!.” Umiiyak ng tanong ni Kristine sa garagal niyang boses. Gustong matawa ni CJ dahil sa narinig pero hindi niya magawa dahil sa luhang nakikita sa mga mata ni Kristine. “You got it wrong. I.. I.. I mean, it won't happen.” Naguguluhang saad naman ni CJ. Tiningnan siya ni Kristine ng may pagtatanong sa mga mata. “I.. I'm a lesbian, myself.” Saad na ni CJ habang nakatitig sa mga mata ni Kristine. Napanganga naman si Kristine at hindi nakapagsalita. Ilang beses na niya itong nakita pero hindi niya manlang nahalatang lesbian ito. Kahit saan niya kasi ito tingnan ay lalaki ang nakikita niya. Ganunpaman ay hindi niya pa rin matanggap kung anuman ang nangyari sa kanilang dalawa. Kahit pa sabihing lesbian ito. Ang isiping ito ang una niyang nakatalik ay labag sa kalooban niya lalo pa't bukod sa galit siya dito ay hindi niya naman ito mahal. “Umalis ka na.” Waksi na ni Kristine sa kamay ni CJ saka pinunasan ang basa niyang pisngi. Gusto niyang magtanong kung paanong nasa iisang kwarto sila pero hindi niya magawa dahil naluluha pa rin siya. Tumayo naman si CJ pero hindi umalis. Sa halip ay nakatingin lang siya kay Kristine. Naaawa siya dito dahil patuloy na umaagos ang luha sa mga mata nito na siyang marahas nitong pinupunasan. Napabuntong hininga si CJ at napahawak sa leeg niya. “Let me take you home.” Maya-maya'y saad na ni CJ kay Kristine. “Kaya ko ng umuwi. Umalis ka na.” Sagot naman ni Kristine na hindi manlang siya sinulyapan. Nakasandal lang ito sa kama habang nakatakip pa rin ang kumot sa kanyang katawan. Pagkatapos titigan si Kristine ay nagpasya na ding umalis si CJ. Nakita niya kasi sa mga mata ng dalaga ang matigas nitong pagtutol na sumama sa kanya. ★★★★★ Habang nagmamaneho ng motor pauwi ay pilit inaalala ni CJ ang nangyari sa pagitan nila ng babaeng tauhan ng pinsan niya na siyang iniwan niya palang. Hindi niya rin kasi lubos maisip kung paanong nangyaring ito ang katabi niya pagkagising niya. Wala din siyang balak na hanapin ang mga kaibigan niya dahil alam niyang nagsasaya pa ang mga ito sa kani-kanilang babae. ⇨FLASHBACK⇦ Pagdating nila CJ sa bar ay agad silang pumasok. Sa ibang bar sila pumunta for a change. Napapasigaw pa sila dahil sa excitement na kanilang nararamdaman. Napapatingin man ang mga tao sa kanila dahil sa kanilang mga pasa ay hindi nila ito pinapansin. Agad silang umupo at nag-order ng kanilang mga inumin. “Wooohhh! Let's drink for our victory!.” Masayang sigaw pa ni CJ at nakipagcheers. “CHEEERRRSSS!!!.” Masayang sigaw pa nila at pinagdikit ang kanilang mga hawak na bote ng alak. Patuloy ang kanilang masayang inuman habang napapatingin sa paligid. Napapasigaw pa sila at napapaindak ang mga paa dahil sa tugtog. “Broh, there are hot chix on the right side! Look at your back.” Pasigaw na saad ni Vin na nakangiti ng malaki kay Grey. Agad itong napalingon at napangiti din sa kanyang nakita. “Broh! Broh!.” Excited na tapik pa ni Grey kina CJ at Zane. “Hot chix!.” Masayang sigaw pa ni Grey sa dalawa at muling lumingon sa kanyang likod. Napangisi sina CJ sa kanilang nakita. Nang mapalingon din ang apat na kababaehan sa kanilang gawi ay tinaasan nila ito ng bote at nginitian ng pagkalandi-landi. Nakita naman nilang kinindatan sila ng mga babae kaya excited silang napangisi sa mga ito. Nang hindi na nakapaghintay ang mga babae ay sila na ang kusang lumapit kina CJ. Lalo namang lumapad ang ngiti nila CJ dahil dito. Pagkalapit ng mga babae ay agad silang lumapit sa kani-kanilang type at nagpakilala. Napapaflip pa ng buhok ang mga ito bilang pang-aakit. “Damn. You're so hot.” Gigil na bulong ni CJ sa babaeng tumabi sa kanya na nagpakilalang Bea. Tila nasiyahan naman ang babae na lalo pang dumikit kay CJ. “And so are you.” Malanding saad naman ng babae at napapahaplos na sa braso ni CJ. Habang tumatagal ay napaparami na ang inom nila CJ. Napapahawak na din sila sa katawan ng mga babaeng katabi nila. Nasisiyahan naman ang mga babae dahil dito. “Let's *hik* get a *hik* room *hik*.” Saad ng lasing na si CJ kay Bea. Napakagat labi naman si Bea at napatango. Agad na nag-excuse ang dalawa at umalis. Halos hindi na din makatayo ng maayos si CJ dahil ramdam niya na ang hilo. Napadami na din kasi ang inom niya. Niyakap naman siya ni Bea at inakay na halatang excited na din. Pagdating nila CJ sa hallway ay napatingin siya sa lalaking may buhat-buhat na babaeng nagpupumiglas. Dahan-dahan ang lakad ng lalaki dahil na din sa kalasingan nito. Napapikit ng mariin si CJ bago nagpasyang bumitaw sa hawak ni Bea. Hindi kasi napansin ni Bea ang lalaki dahil lumiko na ito pakanan. “W-Wait, h-hey?.” Takang tawag pansin pa ni Bea kay CJ pero hindi siya nito pinansin. “Aaarrrggghhh! Nakakainis! Damn you!.” Sa inis ni Bea ay yamot niyang iniwan si CJ at padabog na umalis. “Aaarrrggghhh! Bi-Bitawan mo ako! Aaahhh!! Tu-Tulong!.” Rinig pa ni CJ sa sigaw ng babae. Dali-dali siyang naglakad habang nakasandal sa pader at lumiko. Napapahawak din siya sa ulo niya dahil sa hilo. Nakita niyang pilit na pinapasok ng lalaki ang babae sa isang kwarto. Kunot-noo niya itong nilapitan ng mapagtantong tama ang hinala niya. (Tap! Tap!) Napatingin ang lalaki sa likod niya nang may tumapik sa kanyang balikat. “Hrrmmppff!.” Daing pa ng lalaki ng may biglang sumuntok sa kanyang mukha. Napasandal ito sa pader at nabitawan ang babaeng binuhat nito. Agad namang napasandal sa pader ang babae at naglakad palayo sa lalaki. “Agh!.” Sipa pa ni CJ sa lalaki sa may tiyan pero nahawakan ng lalaki ang paa niya at naitulak pakaliwa saka gumanti ng suntok sa kanyang mukha. “Hmmrrpp!.” Daing pa ni CJ. “Hmmppff!.” Muling daing pa ni CJ nang muli siya nitong suntukin sa gilid. Para silang mga gulaman dahil sa lambot ng kanilang katawan. Hindi kasi sila makatayo ng maayos dahil sa kanilang kalasingan. Muli sinipa ng lalaki si CJ pero mabilis na napaikot si CJ at nakaiwas. Gumanti naman siya ng suntok sa paa nito. “Aaarrrggghhh...” Mahabang daing ng lalaki dahil sa sakit. “Hrrmmppff!.” Muli pa nitong daing ng tuhudin ni CJ ang mukha nito dahilan para mapatihaya ito sa sahig at mawalan ng malay. Napapapikit matang napatingin si CJ sa babae. Nang hindi na makayanan ay tuluyan na siyang napasandal sa pader dahil sa kalasingan at hilo. Naramdaman niya naman ang paghawak at paghila sa kanya ng isang tao at ang pagdampi ng kanyang likod sa malambot na bagay. ⇨End of FLASHBACK⇦ (Scrrreeetttccchhh!) Agad na napapreno ng malakas si CJ nang biglang tumigil ang alaala na kanyang iniisip. Mabuti nalang at nakabalanse siya at hindi natumba. Napahawak pa siya sa ulo at napapikit ng mariin. Kahit anong pilit niyang alalahanin ang mga sumunod na nangyari ay wala na siyang maalala. (Pep! Pep!) Gulat na napatingin pa siya sa likod nang may biglang bumusina ng malakas. Dahil dito ay nagpasya siyang magmanehong muli pauwi. ★★★★★ Tahimik na umiiyak si Kristine pagkaalis ng pinsan ng kanyang among si Divina. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil ang pangako niyang ibibigay lang ang kanyang sarili sa taong mahal niya ay hindi na mangyayari. Napapikit siya ng mariin at pilit na inalala kung paanong nangyaring magkasama sila ng pinsan ng amo niyang si Divina sa iisang kwarto. ⇨FLASHBACK⇦ Laking pasasalamat ni Kristine nang may biglang lumitaw na lalaki para tulungan siya. Naiiyak na din kasi siya dahil pilit siyang tinutulak ng lalaki papasok sa isang kwarto. Pagkabitiw ng lalaki sa kanya ay agad siyang napasandal sa pader at pinilit na maglakad palayo dito. “Aarrhhh...” Hawak pa ni Kristine sa ulo niya nang biglang muling makaramdam ng hilo. Napatigil nalang siya sa pag-galaw at napatingin sa dalawang lalaking nagpapambuno. Laking tuwa niya pa ng makitang bumagsak ang lalaking bumuhat sa kanya at nawalan ng malay. Tila pagod na napatingin sa kanya ang taong tumulong sa kanya. Napapapikit pa ito saka dahan-dahang napasandal sa pader dahil sa kalasingan. Dahil sa sobrang kalasingan ni Kristine ay hindi na niya nagawang makilala ang mukha ng taong tumulong sa kanya. Dahan-dahang lumapit din siya dito at inakay ito papasok sa kwartong walang tao. Nahihirapan pa siya dahil pareho silang hindi makalakad ng maayos. Natakot din kasi siyang baka magising ang lalaki at muli silang sugurin. “Hrrrmmmm..” Napatingin si Kristine sa lalaki nang umungol ito ng mahina pagkahiga niya dito sa kama. “Ay!.” Aalis na din sana siya nang hawakan nito ang kamay niya at biglang hilain, dahilan para mapasubsob siya sa dibdib nito at mapatili. “Aaaggghhhh...” Impit na daing pa ni Kristine saka muling bumangon ng bigla siyang mapatingin sa mapupungay nitong mga mata. Nakita niyang nahihilo pa rin ito habang umuungol ng mahina. Pinilit niya ding makilala kung sino ito kaya mas nilapit niya ang mukha niya dito. Madilim-dilim kasi ang kwarto kaya hindi niya maaninag ng maayos ang mukha nito. “Hmmpphh!.” Gulat na napalaki ang mga mata ni Kristine nang bigla siyang kabigin ng lalaki at mariing halikan sa labi. Itutulak niya sana ito pero malakas naman siya nitong niyapos. “Hmmmm..” Ungol pa ng lalaki na tila nasasarapan dahilan para mapapikit na din siya ng mga mata. Sa hindi malamang dahilan ay napaganti na din ng halik si Kristine sa inakala niyang lalaki. Lalo pang lumalim ang halikan nila dahil kahit hindi siya marunong humalik ay napakagaling naman ng lalaking kahalikan niya. Hanggang sa mangyari nga ang hindi dapat mangyari. Ang marating nila ang sukdulan dahil tila uhaw at gigil ang lalaki sa kanya. ⇨End of FLASHBACK⇦ Mariing pumikit si Kristine at pinagpapalo ang ulo niya dahil sa kanyang katangahan. Nagawa niyang ibigay ang sarili niya sa taong hindi niya naman mahal. Matapos humikbi ay nagpasya ng magbihis si Kristine para umuwi. Parang lutang pa rin siya dahil sa mga nangyari. Sinumpa niya na din ang alak na hindi na siya muling iinom pa kahit konti. ⇨⇨⇨⇨⇨ Pagdating ni CJ sa kanilang bahay ay ang ama niyang si Christian ang kanyang naabutan. Galit itong tumingin sa kanya habang pababa ng hagdan. “Where the hell have you been all night long, CJ?! Parang wala ka ng pamilya kung umasta ah!.” Pagalit na tanong pa ni Christian nang nasa harapan na siya ni CJ. Hindi naman umimik si CJ na mas piniling manahimik para tigilan na siya ng kanyang ama. Aalis na sana siya nang muli itong magsalita na siyang nagpatigil sa kanya sa paghakbang. “You only have one week to do stupid things at your recent school. Because you'll be transferring to University of Sto. Niño, after.” Malumanay na saad pa ni Christian. Napakagat labi naman si CJ dahil sa yamot at bahagyang nilingon ang kanyang ama. “This time, if you won't change your behavior. I won't have a second thought on sending you to States.” Dagdag pa ni Christian. Ilang beses niya na din itong ginawang pantakot kay CJ pero hindi ito nakikinig at hindi natatakot. “You really love ruining my life. However, I will never be one of your dogs.” Matalinghagang saad pa ni CJ sa nayayamot niyang tono saka nagpatuloy sa paglalakad paakyat sa hagdan. Naiwang napakuyom ng kamao naman si Christian dahil sa inasal ng kanyang anak. Gusto niya itong saktan dahil sa pagkawalang modo nito pero nagpigil nalang siya dahil kailangan niya ng pumasok sa kanilang kompanya. Pagkauwi ni Kristine sa kanilang bahay ay naabutan niya ang kanyang nanay na nasa may sala at hinihintay siya. Nag-alala kasi ito dahil hindi naman siya nakapagpaalam na hindi siya makakauwi. Napatayo pa ito pagkakita sa kanya. “Nak, bakit ngayon ka lang? May naging problema ba?.” Nag-aalalang tanong pa ni Wilma ng mapansin ang katamlayan ng anak. Nakapasok na din ang mga kapatid niya sa kanilang eskwelahan. “P-Po, Nay? W-Wala po. Wala naman pong p-problema.” Sagot naman ni Kristine na ngumiti ng pilit. “Eh N-Nay pasensya na po kung hindi ako nakauwi kagabi. Ma-May importante lang po ka-kasi kaming ginawa ng mga kaibigan ko eh.” Pagsisinungaling pang saad ni Kristine. Gustong-gusto niya na ding batukan ang sarili niya dahil nagagawa niya ng magsinungaling sa nanay niya. “O sige, nak. Sige na kumain ka na muna at nang makapagpahinga ka.” Saad naman ni Wilma na naiintindihan ang anak. “Wag na po, Nay. Mamaya nalang po pagkagising ko.” Sagot naman ni Kristine. “Sigurado ka, Nak?.” Tanong ni Wilma. Tumango naman si Kristine bilang sagot at ngumiti ng nagpapasalamat bago pumunta sa kwarto. Matamlay niyang nilagay ang bag niya sa itaas ng aparador at nagbihis. Naiiyak na naman siya nang muling maalala ang ginawa niyang katangahan. Palihim siyang humikbi pagkahiga sa kanilang maliit na katre. Ayaw niyang marinig siya ng nanay niya kung sakali. Hanggang sa makatulugan na ni Kristine ang paghikbi. Hindi niya na din namalayan ang pagpasok ng nanay niya at ang pagsuklay nito sa buhok niya at paglagay sa kanya ng kumot. ~ ~ ~ ⇨acacabas_019ツ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD