“MEANT TO BE” EPISODE 22. Mabilis na lumipas ang mga araw. Ang inakalang biro na panliligaw ni CJ ay totoo pala. Napapakunot noo nalang din naman si Kristine dahil dito at hindi pinapansin ang kakulitan ni CJ. Alam na alam na din sa buong campus ang tungkol sa panliligaw ni CJ kay Kristine, ipangalandakan ba naman nito eh. Nang malaman din ni Jake na nanliligaw na si CJ kay Kristine ay nag-doble effort siya sa panliligaw kay Kristine sa takot na baka mauungusan siya ni CJ. Hindi din kasi natuloy ang lakad nila ni Kristine dahil nagkaroon siya ng biglaang lakad. Laking pasasalamat din ni Jake na napunta sa section B si CJ kaya hindi sila magkaklase. Nagsimula na din ang trabaho ni CJ sa kompanya ng Dad niya. Nilagay siya nito sa Finance Department. Nagtaka pa siya nang sabihin nitong ma

