CHAPTER 8 : NAVIS DE ROYALE... Third Person POV "Wow!" Napatingin ang lahat ng sakay na lumilipad na barko kay Luna ng napasigaw ito dahil sa mangha. "Axter tignan mo ang ganda tignan ng academy mula dito." Sabi ni Luna at hinila niya pa si Axter. "Oo nga maganda." Tugon naman ni Axter na nakatingin kay Luna na may kakaibang ngiti. Hindi nila alam na may mga nakatingin sa kanila. "Talaga bang kapatid ni Axter si Luna?" Bulong na tanong ni Smith sa mga kasamahan nila. "Ewan pero may iba akong hinala eh." Pagsang-ayon naman ni Hezreal. "Kayo talagang dalawa kung anu ano nanamang kalokohan ang nasa isip niyo." Sabi ni Antonette at binatukan niya ang dalawa. "Wala na tayong pake kung totoong magkapatid silang dalawa." Sabi naman ni Leo sabay padabog na tumayo mula sa kanyang pagkakau

