CHAPTER 10 : MOON TEMPLE... Luna POV "Inutusan ko na ang ibang kawal na natitira para maghanap ng dahong gamot para sa sugat niya. Pinabalik ko na din ang kalahati ng mga kawal sa palasyo. Madami sa kanila ang nasugatan dahil sa nangyari." Sabi sa amin ni Leo. "Huhulihin ba nila ang dragon dahil sa nangyari?" Pag aalalang tanong ko. "Hindi kapatid ko." Nakangiting sabi ni Axter. "Sinabi namin ang totoong nangyari sa dragon kaya naman hindi siya huhulihin." Sabi ni Kristal. "Kaya wag ka nang mag alala." Sabi naman ni Antonette. "Kaya lang paano mo nalaman ang nangyari sa dragon?" Tanong ni Kristal at nakatingin na sila sa akin. "Nang hawakan ko ang dragon. Hindi ko alam pero may eksenang bigla na lang nagpakita sa isipan ko." Sabi ko sa kanila at nagkatinginan sila. Pinisil naman ni

