Third Person POV "Ang totoong prinsipe ay tumatanggap din ng pagkatalo. At ang totoong leader ay hindi niya hahayaan na may maiwanan sa kanyang grupo lalo na hindi niya hahayaan na mamatay ni isa." Taas noong sabi ni Leo at nilabas niya ang dalawang magical stones mula sa kanyang bulsa. "Heto ang kailangan niyo diba? Pero paano ako makakasiguro na palalayain niyo ang mga kaibigan ko?" Sabi ni Leo habang hinagis hagis niya ang dalawang gem stone sabay sambot dito. "W-wag n-nahihibang ka na ba?" Sigaw ni Luna kay Leo pero hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Leo. "Ibigay mo lang sa akin ang gem stone at makakasigurado ka na mabubuhay ang mga kaibigan mo." Sabi ng nakaitim na cloak at nilahad niya ang kanyang kamay. "Sige para matapos na ito." Sabi bi Leo. Unti unti naglalakad si

