CHAPTER 20 : TRAINING PART 1... Luna POV "Nandito na tayo." Sabi ni manong sa akin at tumigil siya sa paglalakad kaya naman tumigil din ako sa paglalakad. Pagkatapos ko kasi ibigay sa kanya ang halaman na viburnum ay inaya niya ako na sumama ako pabalik sa kanyang tirahan. At doon na daw ako mag sasanay. Kaya naman walang pag aalinlangan akong sumama kay manong. "Ama! Ama!" Napatingin ako sa batang tumatakbo papunta sa direskyon namin. "Ama nandito na po kayo ulit." Masaya at masiglang sabi ng bata kay manong. May anak pala si manong. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Hindi mawala wala ang malaking ngiti ng bata habang nakatingin sa kanyang ama. Nagpapakarga ang bata kay manong. Medyo nagulat pa ako dahil hindi pa naman pala gaano matanda si manong. Sadyang kulay puti lang ang

