CHAPTER 23 : UNEXPECTED... Luna POV Napapaisip talaga ako eh. Sa tatlong buwan na pinagsamahan namin nila gurong Marcus basta basta na lang nila ako iiwanan? Ganun na lang ba talaga yun? "Bakit guro?" Malungkot kong tanong sa sarili ko. Isa pa na palaisipan sa akin ang locket na iniwanan sa akin ni guro bago mawala ang bahay. Nakakapagtaka lang dahil sa tatlong buwan na pamamalagi ko dito ay ngayon ko lang nalaman na illusyon lang pala yung bahay na tinirhan namin. "Saan na ako pupunta? Mag isa nanaman ako." Sabi ko na lang. Ang daya naman kasi ni guro eh! Pati nila Allu at Celestina. Nakakapagtampo naman. Naisip ko si Axter. Kamusta na kaya yun? Matagal ko nang napag isipan na mag sorry sa kanya. Pero may kailangan muna akong puntahan bago bumalik ng academy. Tanggap ko na dito na

