Tinawanan ko naman siya sa sinabi niya.
Anong connect ng pagiging ready ko o hindi? As if naman na ako ang babaeng gusto niya. Gusto ko na ngang malaman kung may nagugustuhan na ba siya, e.
"Bakit naman ako hindi magiging ready? Austin, ang tagal ko na kayang hinihintay na magkaroon ka ng girlfriend! Akala ko tuloy, bakla ka. Thank God, hindi naman pala." Natawa ako sa sinabi ko.
"Tanga mo talaga," natatawa niyang sabi bago pinitik ang noo ko.
"Aray!" nakasimangot kong reklamo habang hawak ang noo kong pinitik niya.
Ilang segundo lang ay ibinalik ko na ang kamay ko sa batok niya.
"Pero Austin . . . paano kung hindi ka magustuhan ng babaeng gusto mo?"
Muntik ko nang bawiin ang sinabi ko dahil napagtanto kong imposibleng hindi siya magugustuhan ng babaeng gusto niya! Matalino, gwapo, mayaman, thoughtful, sweet, mabait, lahat na! Kaso nga lang . . . manyak at mahilig mang-asar. Psh!
"I'll do whatever it takes for her to love me back."
"Even if you need to beg?"
"Even if I need to beg."
Hindi kaagad ako nakapagsalita dahil nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam sa akin.
"T-Talaga? Mabuti kung ganoon."
Ngumiti siya. "Gagawin ko naman talaga ang lahat para sa kan'ya. Noon ko pa ginagawa 'yon at hindi ako magdadalawang-isip gawin 'yon kapag dumating na ang panahong handa na siya para sa aming dalawa."
Ngumiti ako bilang tugon. Hindi ko maintindihan kung bakit nakaramdam ako ng inis o lungkot sa sinabi niya. Sabi niya kasi dati, gagawin niya ang lahat para sa akin. Ngayon, na-realize ko na ginagawa niya rin pala ang lahat para sa babaeng gusto niya. Sabagay, I'm just his best friend.
"Ang swerte naman ng babaeng gusto mo."
"Sobra." Ngumiti siya na puno ng saya. "Sobrang swerte ko rin sa kan'ya. I am the happiest man when I am with her."
Ngumiti ulit ako sa kan'ya.
Hindi pa man din natatapos ang isang kanta ay may lumapit sa aming dalawa, dahilan para mapatigil kami sa pagsayaw. Pagtingin ko ay nakita kong pamilyar ang lalaking ito. Nakalimutan ko kung saan ko nakita ang lalaking ito pero pamilyar talaga siya.
"'Tol, p'wede ko ba siyang maisayaw?"
Naaninag ko ang mga mata niya habang nakangiting nagtatanong kay Austin. Nakita ko naman kung paano niya tingnan ng masama ito habang gumagalaw ang mga panga.
"Kung balak mong isama siya sa listahan ng mga babae mo, alam mong hindi kita papayagan."
Nanatili ang mga kamay niyang nakahawak sa baywang ko, na para bang sinasabi niya sa kausap niyang pag-aari niya ako.
Ngumisi ito na parang nakuha ni Austin ang interes ng lalaking kausap niya. "Chill, pare. Isasayaw ko lang naman siya."
Inilagay niya ako sa likod niya na parang pinoprotektahan ako sa kaharap niya. Nakita ko kung paano kumuyom nang mahigpit ang kamao niya, dahilan para manlaki ang mga mata ko sa gulat.
No. Hindi niya na ulit gagawin 'yon.
"Rafael, hindi ako tanga para isiping isasayaw mo lang siya. Tigilan mo si Vanessa dahil sinasabi ko sa 'yo, ako ang makakalaban mo."
"Austin, ano bang—"
Mabilis akong pumagitna sa kanilang dalawa para mapigilan ang namumuong tensyon sa pagitan nilang dalawa.
"Tama na, tama na!" Tumingin ako kay Austin. "Tama na, Austin. Isang beses lang naman. Don't worry. I promise, hanggang sayaw lang 'yon. And it will be our last encounter. Go." I gave him a reassuring smile.
Noong una ay kita ko ang pagiging hesitant niya pero in the end, sumuko na siya at umalis doon. Bumaling ako kay Rafael, at ngayon ay naalala ko na kung saan ko siya nakita.
Siya 'yung lalaking may pinaiyak na babae. Siya 'yung lalaking sinabi sa akin ni Austin na s*x lang ang habol sa babae. And now, I promise I will never be one of his girls.
Hinawakan niya ako sa baywang ko at ako naman ay inilagay ang mga kamay ko sa batok niya. Nagsimula na kaming magsayaw habang tumutugtog ang kantang Chasing Cars.
"Sobrang ganda mo pala talaga sa malapitan," nakangiti niyang sabi sa akin.
Kumunot ang noo ko. "Kilala mo ba ako?"
"Oo naman. You are one of the most beautiful and most intelligent in our batch. Sino ang hindi makakakilala sa 'yo?"
Hindi ko napigilan ang pamumula ng pisngi ko sa sinabi niya. "I . . . saw you breaking up with a girl. Ganyan ka ba talaga?"
"I saw you too, watching us. And oo, ganoon nga ako. Not until someone can change me. We have reasons kung bakit tayo nagkakagano'n and I have my reasons."
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng awa sa kan'ya. Baka nga may pinagdadaanan siya kaya ganoon? Baka nga may malalim na dahilan kung bakit s*x lang ang habol niya sa babae? Maybe he lost the girl he loved the most so he's taking revenge to every girls he met. Pero mali naman siya para idamay ang mga inosenteng babae na wala namang ibang ginawa kung hindi ang mahalin siya.
"So . . . anong kailangan mo sa akin? Bakit mo ako nilapitan ngayon?"
Tumawa siya nang mahina at mas lalo kong naramdaman ang paghigpit ng hawak niya sa baywang ko . . . na para bang lalo niya akong inilalapit sa kan'ya.
"Chill. I just want to be friends with you. Mukhang may nasabi na sa 'yo tungkol sa akin 'yong si Johnson, ah?" bakas pa rin ang ngisi sa mga labi niya.
"All you want is just plain s*x for every girl you met, 'di ba? I'm sorry but I don't belong to those girls who are head over heels with you. You can never get what you want from me."
He smirked. "If that's what you think about me, then go. Think of all those bad things about me. Tutal, lahat naman halos ay ganyan ang iniisip sa akin." Tumawa siya nang mahina. "Sabagay, hindi ko naman kayo masisisi. Feeling ko nga ay ganoon rin ako. But let me tell you this, sweetheart. I just really want to be friends with you. That's all."
Matapos niyang sabihin 'yon, hindi na ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi niya o iisiping binobola niya lang ako talaga. Kahit na mukhang seryoso siya sa mga sinasabi niya, hindi pa rin maalis sa isip ko lahat ng sinasabi ni Austin sa akin tungkol sa kan'ya. I believed Austin the most because I know that he will never lie to me.
After the song's over, hinatid na niya ako sa table namin nila Austin. "Thank you for the dance, Vanessa Anne Madison."
Then he winked at me before leaving.
Mabilis akong nilapitan ni Austin nang umalis na si Rafael. Hinawakan niya ako sa balikat ko, at tiningnan nang maigi sa mga mata. "What did he tell you?"
"He said that he just really wants to be friends with me."
Nakita ko na napatigil siya at tumawa na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "And you believed that?" Hindi ako sumagot, kaya mas lalo kong nakita ang galit sa mukha niya. "God, Vanessa. Hindi ikaw ang unang babaeng sinabihan niya niyan!"
Is it possible na mas maniwala sa taong ngayon ko lang nakilala, kaysa sa taong alam kong hindi naman nagsinungaling sa akin kahit kailan?
***
Mabilis na tumakbo ang oras, at nakagraduate na kami ng senior high school sa strand na GAS. Si Austin ang valedictorian ako naman ang salutatorian. Kami daw ang tunay na friendship goals, sabi ng nakararami.
Well, tinamad na talaga akong mag-aral but Austin pushed me to study hard because he doesn't want me to waste my intelligence.
Ngayon, nagsisimula na ang college life namin ni Austin. I enrolled for Culinary Arts habang siya naman ay Architect. Malayo ang building namin sa isa't-isa kaya hindi na rin ako magtataka kung hindi na kami magkakasabay na pumasok, kumain ng lunch, at umuwi.
After noong JS Prom namin, Rafael did not show his face to me anymore. I mean, yes—nagkikita kami sa school dahil GAS din pala ang strand niya pero section B siya habang kami ni Austin ay section A. Nasa iisang building lang kami at iisang floor. Pero hindi na siya ulit lumapit pa sa akin o kinausap ako.
Siguro ay napagtanto niyang hindi niya talaga ako makukuha sa mabulaklak niyang mga salita kahit na noong huli ay muntik na akong maniwala sa kan'ya. Sobrang na-guilty pa naman ako noon kay Austin dahil pakiramdam ko, mas naniwala ako kay Rafael kaysa sa kan'ya. Tama talaga siya. I promised myself that I will not believe everyone except Austin. He's my best friend and he will never disappoint me.
"How's the first week, Madison?" tanong sa akin ni Austin nang lumabas na ako ng classroom for the last period of this day.
Hinintay niya talaga ako sa labas ng classroom namin kahit na hanggang 2:30 p.m. lang ang class niya every Friday, at ako ay until 4:00 p.m. pa!
"It's great, I think. Mababait naman ang mga kaklase ko. Ikaw, Johnson? How's your first week?"
Nagbuntonghininga siya tapos ay inakbayan ako habang naglalakad kami palabas ng campus. "Boring."
Kumunot naman ang noo ko. "Why?"
"Wala ka, e."
Natawa ako sa sinabi niya tapos ay kinurot siya sa pisngi. "Ang cute mo!"
Tawa ako nang tawa nang makita ko ang reaksiyon niya sa ginawa at sinabi ko.
"Cute? I'm not cute, Vani. I'm handsome."
"Ew?"
"Ew ka d'yan! Kung alam ko lang, may crush ka sa akin, e." Inirapan niya ako.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Asa! Baka ikaw?"
Tumawa naman siya bilang tugon. Inaya niya akong kumain sa labas dahil nagugutom na raw siya. Pumayag naman ako basta libre niya. Noong una ay reklamo siya nang reklamo pero sa huli ay bumigay din.
Habang kumakain kami ay kinukwento ko sa kan'ya ang mga requirements namin para sa semester na ito pati ang first encounter namin ng mga kaklase ko.
"This sem, kailangan namin mag-formulate ng business plan, pero sa finals pa naman ang deadline no'n. Ang panel daw para sa defense ay surprise pero mga super successful na business owners daw ang mga 'yon na graduate sa university na 'to kaya daw kailangan naming galingan ang pagsagot. Sa ngayon, 'yan pa lang ang sinasabi sa amin, pero 'di pa sure kung may idadagdag ang ibang professors," mahabang paliwanag ko habang kinakain ang dessert namin na ice cream. "Kayo?"
"Puro basic plates lang kami ngayon. Next sem pa raw magiging sobrang hirap ng mga gagawin. Sa ngayon, basic plates lang. Araw-araw kaming gagawa ng plates, para daw masanay na kami kapag gagawa na kami ng mas mahirap na plates."
Nang matapos kaming kumain ay sumakay na kami sa jeep pauwi. Hindi ko ginagamit ang kotse at driver namin dahil para lang kay Mama at Papa 'yon. At isa pa, sobra-sobra na ang allowance na ibinibigay nila sa akin araw-araw.
Mura lang naman ang pamasahe dahil jeep lang palagi ang sinasakyan namin ni Austin pero balak kong mag-dorm na sa susunod na linggo dahil medyo malayo ang bahay sa university. Kakausapin ko pa si Mama at Papa mamaya. Sure din naman akong papayagan nila ako dahil masyado silang busy sa trabaho nila para asikasuhin pa ako.
Nang makauwi ako, nandoon na si Mama pero wala pa si Papa. Gusto ko sana siyang kausapin pero nakita kong nakahiga siya sa couch at nagpapahinga. Mukhang pagod na pagod si Mama. Lumapit ako sa kan'ya.
"I'm home, 'Ma." I kissed her cheeks.
Idinilat niya ang mga mata niya at nginitian ako. "How's your school, Vani?"
Umupo ako sa tabi niya at nakipag-usap na sa kan'ya. "Okay lang, 'Ma. Medyo nakakapagod kasi malayo."
"That's the best school for HRM students. Alam kong kaya mo 'yan. Do you want to build your own restaurant?"
I smiled. "Of course, 'Ma. I want to be like you." Tumawa siya sa narinig sa akin. "Pero 'Ma, p'wede ba akong mag-dorm na lang? Sobrang nakakapagod po kasing bumyahe, e."
Ilang saglit siyang natahimik habang napapanguso sa pag-iisip. Ilang sandali pa, nagtanong na siya. "Kaya mo bang mag-isa?"
Umayos ako ng upo bago tumango. "Yes, 'Ma. Marunong po akong magluto, pati sa ibang gawaing-bahay. 'Yon na lang kasi ang naging libangan ko dati kapag wala kayo ni Papa at saka kapag kinukuha n'yo po sa akin ang gadgets ko."
Ibinalik naman nila ang gadgets ko noong matapos ang third quarter pero hindi na ako naging ganoon kaadik manood ng KDrama dahil mas priority ko ang school dahil parang natauhan ako noong nagalit si Mama. Naging masaya sila para sa akin dahil nakita nila na talagang nagbabago na ako.
"I'm sorry for being busy. Pero sa akin okay lang naman, basta alam kong kaya mo. Ask your Papa kung okay lang sa kan'ya."
Tumango ako at sinabing aakyat na ako sa kwarto ko at magbibihis. Pagkatapos ay ni-review ko na ang mga first discussions ng mga profs namin, tutal, maaga pa naman. One hour kasi ang byahe ko papunta sa school kapag nagko-commute, kaya ngayon ay 6:00 p.m. pa lang naman. Kumain lang kami ni Austin sa labas kaya medyo natagalan.
By 7:00 p.m., dumating na si Papa kaya habang kumakain ng dinner ay nagpaalam ako na magdo-dorm na lang ako para malapit sa school. Tinanong niya lang din ako kung kaya ko bang mag-isa, then, ang sabi ko naman ay kayang-kaya ko. Pumayag na sila in the end at sinabing sabihin na lang sa kanila lahat ng expenses para maiayos ko na kaagad.
Kinabukasan ng umaga ay tinawagan ko si Austin at ibinalita na magdo-dorm na ako next week at sinabing pinayagan na ako ni Mama at Papa.
"T-Talaga?" tanong niya matapos kong ipaliwanag sa kan'ya ang ibinalita ko. "P-Pareho pala tayo! Ako rin magdo-dorm na! Tamang-tama pala e," sabi niya tapos ay tumawa.
Narinig ko sa boses niya ang literal na "hahaha" kaya hindi ko alam kung totoong natutuwa ba siya. Napakunot ang noo ko dahil hindi naman ganoon ang normal niyang tawa pero sa huli ay hindi ko na lang pinansin.