Napabuntong hiningang nakatingin si Ftitz Kay karlene bago nagsalita. "Sorry Karlene sa pagiging disperado ko.." nagpakumbabang sagot ni fritz. Hindi na sumubo pa si fritz at pinagmamasdan nalang Siya nito habang patuloy na kumakain. Namayani Ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Dumating Ang Araw ng first birthday at binyag ni baby zephanny. Malungkot na pinagmamasdan ni fritz ang anak na karga karga ng kanyang mommy. kakalimutan nalang ba niya ng tuloyan si Karlene at huwag nang maghangad pa na magiging Sila pa? masakit mang isipin na Hindi niya maangkin Ang babaeng tunay niyang iniibig pero titiisin nalang niya iyon siguro. sobrang natuwa pa Siya nang malamang umuwi na si Karlene Mula sa america. Pero nahihirapan din siyang papaniwalain itong mahal niya talaga ito at naramdaman

