Isang Araw ay naglilibot ng Hacienda si Denz gamit Ang paborito niyang brown na kabayo. Ganoon parin Ang hacienda peaceful at Napakaganda Ng paligid at fresh na fresh Ang hangin. Ang tanging nagbabago lang ay Ang paglaki Ng mga puno Ng prutas na dati ay Puro maliliit palang nang umalis Siya sa Hacienda. Mas Lalong dumami na Ang mga tanim sa Hacienda. Iba't ibang klase Ng prutas at may marami pang produktong itinanim sa kanilang mga tauhan roon. Di nagtagal ay nakaramdam si Denz ng pagkagutom kaya tiningnan niya ang suot na relo sa kanyang bisig. 1:30 pm na pala .. "Kaya Pala nakadama na Ako ng gutom.." Sabi niya sa sarili. At Mabilis agad siyang sumakay sa kanyang kabayo at inudyukan itong pauwi ng mansion. Pagkarating ni Denz sa mansion at pagpasok niya ay nasorpresa at nagulat pa si

