Iniyak ko lahat sa kuarto. I pretended I was sick. Sinabi kong konting sinat lang para di magalala masyado sina Mama. Alam na nila mama na hindi kami okay ni Miggy but I never shared to them about the reason why we are not okay. Nasaktan ako ni Miggy ngunit ayokong bahiran yung Miggy na nakilala nila. Kaya kong tiisin yung sakit magisa wag lang silang masaktan dahil napamahal na si Miggy sa mga magulang ko. Panay ang punas ng luha ko ngunit panay rin ang agos nito. Di matigil-tigil. Hanggang sa nakatulogan ko na yung pagiiyak. Madilim na sa labas ng makarinig ako ng katok sa pintuan. "Anak, may naghahanap sa iyo sa labas. Yung boss mo, gusto ka raw makausap. " Pagkarinig ko muling nakaramdam ako ng galit sa dibdib. Pero, kinalma ko ang sarili dahil posible namang hindi si Sir Ivan ang na

