Hapon na ngunit nasa tambayan pa kami ng mga trabahador ng farm na gawa sa kawayan ang umpuan at sandalan nito habang ang bubong ay gawa sa dahon ng niyog. " Bakit may blackeye ang juice?" " Kasi nasa PACK siya!" O, alam niyo na saan ko nakukuha mga korney kong jokes. Linggo-linggo ba naman ajong makikipagbardagulan rito. "Ako naman! Ako naman!" Syempre pabida-bida tayo." Anong hayop ang WALA LANG? " Nagsearch yata ako sa google bago ako pumunta dito dahil alam kong mapapasubo na naman ako. Nag-isip ang mga ito ngunit ilang minuto na nakalipas ay walang nakasagot. "Sirit na ser! " "Oo, ser hirap naman! " "Edi LION! " Tumawa ako ng malakas. Napatigil ako ng walang tumawa sa kanila. Si Addison tila di ang jokes ko ang tinawanan kundi ako mismo. Nagbukungan ang mga trabahante. "Nain

