Matamang pinag mamasdan nila Lei at Althea Ang dalawang binata habang gumagawa ng bonfire sa tabing dagat.
Habang Silang dalawa ay nagiihaw ng isda at ilang hot dog.
"Ang cute nila no?" naitanong ni Lei habang ngpapaypay ng inihaw.
Napatango lamang Ang dalaga at bahagyang ngumiti
"Para Silang totoong magkapatid" dugtong pa nito .
"Totoo. . mas close pa nga Silang dalawa kesa sa Amin ni kuya Lester " sagot Naman ni Althea.
"Alam mo bang halos mag selos na ko diyan Kay Drew nung Bago pa lang kami ni kuya mo. Pano puro Drew Ang bukang bibig Akala ko tuloy bakla" natatawang sambit nito. maging si Althea ay natawa sa tinuran ng kasintahan ng kuya nya.
"Ganyan talaga Sila di mo mapag hiwalay. dati nga inaaway Ako ni kuya pag inaagaw ko atensyon ni Drew sakanya" sagot Naman ni Althea habang nakangiti.
"Talaga ba? Sobrang close mo din Pala noon Kay Drew? "
napatingin si Althea sa babae at nailang sa tanong na iyon.
" y-yes. . dati yon, iba na Kasi Ngayon alam mo Naman ilang years din kami g Hindi nagkita kaya parang nakakapanibago. parang Hindi ko na sya kilala" pagdadahilan Naman ni Althea.
"Ganun? kaya Pala parang di kayo masyadong naguusap."
"Wala Naman kaming paguusapan, syempre Bata pa Ako non kaya nakalimutan ko na kung pano kami naging close " sagot niya.
Naputol Ang paguusap nila ng lumapit Ang dalawang binata. Agad napansin ni Althea Ang malagkit na tingin sakanya ni Drew.
Medyo naasiwa sya sa hitsura nya. Nakapusod Ang mahaba nyang buhok at nakasuot sya ng maiksing shorts at tinernuhan ng puting bra. Dahil don ay sinuot nya Ang kanyang balabal.
"hi girls! " bungad ni Lester sakanila. "luto na ba yan?" dugtong pa nito.
"yes sir, ihahain na Po" pabirong sagot ni Lei sa fiancee.
natatawang hinalikan ni Lester sa noo Ang dalaga.
" Ang cheesy!" wika Naman ni Althea.
"inggit ka lang haha" panguuyam ng kapatid sa kanya.
"hoy ! Ang kapal Neto " wika ni Althea , animoy Isang Bata na nagtatampo sa kuya. Nilapitan Naman sya ng kapatid at hinalikan din sa noo.
" Sige na wag ka na mainggit " natatawang wika ni Lester sa kapatid.
"hay naku Tara na kuya pakidala Nalang ng food dito" utos nya sa kapatid.
"halika na ate Lei. hayaan mo Sila magbuhat" wika nya sabay akay sa dalaga.
Pasalampak Silang naupo sa buhangin habang nakaharap sa bonfire na ginawa ng dalawang binata.
Wala na siyang nagawa ng tumabi si Drew sakanya. sa harap nila ay Ang dalawang magkasintahan.
Binuksan ni Althea Ang dalang mga chips habang Ang kapatid Ang nagbukas ng wine. Isa Isang sinalinan ni Lester Ang mga wine glass nila.
Itinaas ni Lester Ang hawak na glass habang nakatingin sa fiancee at magiliw na ngumiti rito.
"To forever?" Anya.
Sumagot Naman si Lei sabay taas dn ng Baso.
"Yes! To forever!" napakalapad ng ngiti ni Lei nang sabihin iyon . Nakisali na Rin Sila Drew at Althea at nag cheers to forever para sa dalawa.
Naging Masaya Naman Silang apat ng gabing iyon. naging casual na din Ang pakikitungo ni Drew at althea sa isa't Isa.
"Ate Lei.. kuya Lester" sambit ni Althea medyo tipsy na ito dahil nakaka ilang Baso na Rin ito.
"I wish all the best in life at sana maging strong pa Ang relationship nyo and ofcaurse wag nyo pabayaan Ang pamangkin ko " dugtong nito.
"awwwww,,, Ang sweet" Ani Lei sabay yakap sa future sister in law. "Thank you Althea"
"Ay naku, Ang cheesy nyo " natatawang wika ni Lester .
"Ang KJ" pangaasar ni Althea sa kapatid .
"Anyway. . It's almost midnight na din, bawal ka magpuyat honey.. SI baby natin, need mo na magrest" Sabi ni lester sa faincee.
"Ay oo nga althea, as much as I wanted to stay up longer... bawal" paliwanag ni Lei.
" Don't worry ate Lei I get it . para Kay baby" sagot ni Althea sabay hipo sa tiyan ni Lei.
Medyo groggy na din si Althea ng mga Oras na iyon paano ba Naman ay napagod siya kanina at napadami din Ang inom nya ngayong Gabi. Hindi nya alam kung bakit pero parang Ang sarap ng lasa ng alak para sakanya.
Tumayo na si lester at inalalayan pabalik ng Kubo Ang kasintahan. Pero Bago ito umalis ay inihabilin niya Ang kapatid sa kaibigan.
"Bro Ikaw na Muna bahala Kay Althea . Mag enjoy Muna kayo diyan" aniya sabay talikod na.
"Good night kuya ! Good night ate Lei!" pahabol na sigaw ni altheA.
Sinalinan pa ni Althea Ang Baso at tinungga ito.
"Hindi ka pa ba inaantok Althea? " tanong ni Drew .
"Not yet. Gusto ko Muna enjoyin Yung gabing to. You can go ahead if your already sleepy" dire diretsong wika ng dalaga.
Mataman siyang tinitigan ng binata. Mapupungay Ang mga mata nito , mamula Mula Ang labi at Napaka amo ng muka.
Sinong mag Aakala na ganito ka Ganda Ang dati ay Isang musmos na batang nagpapa Pansin sakanya.
"Nope. I'll stay here, with you. Ang akin lang Naman baka lasing ka na" sagot niya sa dalaga
"Hindi ah! Gusto ko pa nga uminom eh "
"Ok, then come with me!" sambit ni Drew sabay hawak sa braso ng dalaga.
"wait! where are we going?" nagtatakang tanong ni Althea .
"Basta just follow me!"
Wala ng nagawa Ang dalaga kundi sundan ito Lalo at hawak hawak nito Ang kanyang kamay.
Dinala siya ni Drew sa Isang disco bar na nasasakupan pa ng resort. Hindi nya napansin Ang bar ng dumating siya . Marahil ay nakapag libot libot na rito Ang binata .
Pumasok Sila sa loob nito. Napakaraming tao at halos magkadikit na Ang mga katawan ng nagsasayahan Doon.Nakakabingi Ang tugtog na nanggagaling sa malalaking speaker doon. Hawak hawak parin ni Drew Ang kanyang kamay ng makarating sa bar .
Sumenyas ito sa bartender.
"One shot tequila and margarita please" Sabi nito sa bartender.
"Ang daming tao Drew"reklamo ni Althea.
"Of course this is a disco bar!" natatawang wika ni Drew ."don't tell me now ka lang nakapunta sa ganitong Lugar?" di makapaniwalang tanong nito .
"Actually yes!" sagot ni Althea . Halos idikit na niya Ang Mukha sa kausap dahil halos Hindi Sila magkarinigan sa ingay. "Hindi Naman kami palaunta dito ng friends ko! Boring Ang college life ko " mahabang sagot niya sa binata.
Bahagyang nangiti si Drew.
"Then you should enjoy your first night!" Sabi nito sabay abot ng margarita sa dalaga.
Naka ilang shots din Silang dalawa.
"Althea?"
"Hmmm?" Namumungay na Ang mata ng dalaga at pakiramdam nito ay umiikot na Ang paligid nya.
"Bakit mo ko iniiwasan?" tanong ni Drew.
Napatitig Ang dalaga dito at hinawakan nito Ang kanyang Mukha na bagyang ikinagulat niya.
"you wanna know?" wika pa nito. Tumango lamang sya bilang pag sang ayon.
"Because.. I don't want you near me!" Dinuro pa sya ng dalaga sa dibdib. "I don't want to confuse my feelings Drew . I don't want to hurt Jared! You know how I feel for you!" halos nag Kanda utal utal niyang wika. "Transparent Ako sa feelings ko Sayo noon Drew. You know how much I adore you!" matapang niyang pag Amin. Tila lumakas Ang loob niyang sabihin Ang naraRamdaman dahil sa ispirito ng alak .
"I thaught mawawala din Yung feelings mo sakin Althea, Kasi masyado ka pang Bata noon" sagot niya.
"I hope na Ganon nga! Anyway bakit ba natin to pinag uusapan? Akala ko ba mag eenjoy Tayo?" wika ni Althea sabay lagok ng alak.
"Alright! Then let's dance! Nagulat uli Ang dalaga ng hablutin nito Ang kanyang braso at dinala sa dance floor. Nakisiksik Sila sa mga taong sumasayaw Doon. Dikit na dikit na din Ang katawan nila ng binata.
"I don't dance!" pasigaw na wika ni Althea upang marinig ng binata. Sumasabay na Rin ito sa tugtog.
"Of caurse you can dance sabayan mo lang Ako" sagot Naman ni Drew.
Wala ng nagawa Ang dalaga kundi Gawin Nalang kung ano Ang ginagawa nito. Napakasaya nya ng gabing iyon . Hindi niya alam kung Ang pag punta sa bar o Ang presensya ni Drew Ang nagpapasaya sakanya ng mga Oras na iyon. Wala na syang pakialam Basta Ang alam nya , Masaya sya.