"Yes ma?" bungad ni Drew sa Ina ng tawagan siya nito. "Anak kelan ka uuwe rito satin?" tanong nito. Ayan na Naman Ang mommy niya. Kinukulit nanaman siya kung kelan siya uuwe. Mag tatlong taon na din Kasi simula ng umalis siya ng Pilipinas. Sinubukan niyang mag trabaho sa New York. Simula ng umalis si Althea ay sinubukan niyang hanapin ito. Ilang ulit siyang nakiusap sa mga magulang ng dalaga ngunit ayaw nila ipaalam sa kanya Ang kinaroroonan nito sa naturang Bansa. Kung kaya't minabuti na niyang dito na Muna mag hanap ng trabaho. At dahil nakapag tapos Naman siya sa Isang kilalang unibersidad ay Hindi Naman naging mahirap Ang maghanap ng trabaho sa kanya. "Mom, Alam nyo Naman Po Ang sagot ko diyan" malungkot niyang wika. Pinangako niya kasi sa sarili na hindi siya uuwe hangga

