Fix you 15: Selosa

2044 Words

--15-- RICA'S POV Umiikot na naman ang buhay ko sa trabaho-bahay-trabaho. Ngayon naman ay dadalawin ko ang mga bata. May tatlong araw ring hindi ko sila napuntahan. Ayain ko kaya si Boss Nicole? Uhm nakakahiya. Huwag na nga lang. i-joke ko na lang si RK. Sabihin ko samahan niya ako. Hahaha! Hindi ko mapangatawanan yung sinabi ko na hindi ko na siya kukulitin. Pakiramdam ko kasi siya lang yung pwede kong sandalan. Isang taong hindi ko pa nakikilala na maaring alam na ang lahat lahat ng nangyayari sa akin. Tatlong ring lang sinagot na niya ang tawag ko. (Hello...) >>>RK! Bibisitahin ko ang mga bata ngayon. Sama ka? Haha! (Busy ako.) >>>Weh. Ayaw mo lang talagang magpakita. Panget ka siguro haha! (Does it matter? May meeting ako. Can I call you later?) >>>

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD