--13-- Nicole's POV Angbilis naman natapos ng magandang panaginip. Nung isang linggo lang angsaya-saya namin nina Kuts, ngayon heto nasa harapan namin ang isang DSWD personel at abogado na nagpakilalang Atty. Stephen Natividad. "We had check the back ground of their immediate family attorney, wala silang kapasidad para buhayin ang mga bata." Giit ko kay attorney. "But that doesn't mean pwede niyo na silang ampunin Miss Perreras. We need to follow the law." "Pero ibinilin sila sa amin ng nanay nila." Sabad ni Rica. "attorney naman, paano na ang mga bata?" "Hindi sapat ang ganoon Miss Siliman. Pwede kayong mag-apply bilang foster family pero habang wala pang approval ay sa bahay ampunan muna sila mananatili." This is stressful! I usually get what I want pero sa batas wala akong lusot.

