32.3 RICA'S POV Gusto kong buhusan nga ng alcohol tong sugat niya. Kahit mababaw to sigurado hahapdi to e. "Uy..." Hindi ko siya pinapansin. Ikaw ba naman nakukuha mo na ang tulog mo tapos tatawagan ka dahil nasaksak daw siya. Heller! Yung ini-imagine ko nasaksak at nahalukay na ang intenstines niya. Masuka-suka na ako sa byahe. Bueset! "Uy, talk to me naman. Kagabi ka pa tahimik." "Wala akong sasabihin." "So this is how you show you care. Cold. Cold writer." Masama ang tingin ko sa kanya. "Joketime? Saan ang lakad mo ngayon? Ingatan mo tong sugat mo." "Bibisitahin namin ni Jacob yung site sa Davao."tumingin siya sa relo niya. "12:00 ang flight." "ok. Kailangan mo na palang gumayak." "Ikaw?" "Sa CKM. San pa ba?" "Why are you so grumpy?" Nag-angat ulit ako ng tingin. "yang pas

