26.2 RICA'S POV "Anong kadramahan yan?" binato ako ni Ate Vivian ng nilamukos na papel. "Kanina ka pa tulala diyan." Nang maihatid ko ang mga bata ay ditto ako sa apartment niya tumuloy. "Nagmomoment ako e. tuloy mo lang yang ginagawa mo." Nasa dining table siya. Dun gumagawa ng mga write ups niya. "May problema no? Ano yon?" Lumapit ako. Naupo ako sa tapat niya. "What if kung..." "Redundant..." pambabasag niya sa akin. "Ate naman e! Kailangan ko lang ng opinion mo." "Game..." sagot niya habang nakatitig sa monitor ng laptop. "Nakikinig ako." "Anong gagawin mo kapag nagsinungaling ang isang taong pinagkakatiwalaan mo?" Napaangat siya ng tingin. "to what extent ng pagsisinungaling?" "Basta nagsinungaling. Yung tipong nagpapanggap siya na hindi ka niya kilala pero ang totoo e buo

