25.2 RICA's POV "Surprise!" Krema de pota! Si Lauren ang bumungad sa akin. Niyakap niya ako. "Namiss kita..." "Paano ka nakapasok?" "Nag-iiwan ka ng duplicate key para sa akin diba?" Oo nga pala! Inilalagay ko sa ilalim ng paso ang susi. Nalimot ko na ang bagay na yon. Hooh! Teka! Trobol to! "Rica anong..." Putang ina bes! Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Boss Nicole at Kay Lauren. Lagot ka na naman Rica! "Magkasama kayo maghapon?!" "Para sa work."sagot ko agad. "Walang ibang dahilan." "I'd better go. Mag-iingat ka ditto Rica. Text mo lang ako kapag nagkaproblema. Okay?" Tumango ako. "Salamat boss." Hindi ko na siya nagawang ihatid dahil dragon na rin tong si Lauren. "Kaya pala hindi ka nagrereply dahil kasama mo ang babaeng yon." "may pangalan siya. Nicole. Nakafocus sa ka

