--8—
NICOLE's POV
"Ibigay mo to kay Rica."inabot ni tito Zandro ang isang sobrang naglalaman ng pera. "Baka naman pati kalusugan mo napapabayaan mo na?"
Ikatlong araw nang nakaburol si Nanay Choleng ngayon. Gabi-gabi akong nagpupunta. Umuuwi ako ng madaling araw dahil hindi ako komportableng matulog doon.
"Okay lang ako tito. Salamat dito. Punta muna ako sa office may meeting ako ng 10:00."
"Huwag na. Si tita Julia mo na lang daw ang pupunta. Pumanhik ka muna sa kwarto mo nang makapagpahinga ka."
"Maam Nicole. Andito mo si Miss Coreen."
Wrong timing! Anglaki niyang wrong timing!
"Good morning tito." Nagbeso siya kat tito. "Susunduin ko po sana si Nicole."
"May lakad ba kayo hija?"
Umiling ako. "Ako na pong bahala dito tito. Baka ma-late pa kayo."
"Sige." Hinalikan ako sa noo ni tito. "huwag sa kwarto magpaligaw hija ha?"
Whattahell? Natatawa si Coreen sa sinabi ni tito.
"And you young lady? Bago mo ligawan tong si Nicole ay kausapin mo muna si Jasmine."
"No problem tito. Kakausapin lang pala e." she answered confidently before giving tito a hug. "Ingat po kayo."
"Wait for me at the office."I sternly instructed her. "Don't you dare follow me"
"Pero sabi nila follow your dreams." Apela pa niya.
I spun to face her. "Hindi mo maintindihan ang sinabi ko? Either hintayin mo ako sa opisina or umalis ka na."
Tinaas niya ang dalawang kamay niya. "Okay. Sa opisina."
"Magtanong ka sa kasambahay kung saan ang office ko dito."
May dalawang mini office dito. Kay tito at tita yung malaking office at sa amin ni Jasmine. Hindi naman siya mahihirapan hanapin yon dahil magkatapat lang. Study room namin yon pero kalaunan naging opisina na rin kung saan nakalagay lahat ng mga files ng SAECOM projects na pinamahalaan namin.
Marami na palang missed calls si Rica. Ano naman kaya ang problema ngayon?
>>>Hello...
(Hinahanap ka ni Katrina. Mataas ang lagnat niya.)
>>>Pupunta na ako diyan maya-maya may kailangan lang akong ayusin dito.
(Okay. Pasensya ka na sa istorbo.)
>>>Para sa mga bata. Okay lang.
Binaba ko na ang call. Kinuha ko ang kontrata na pinagawa ko kay attorney Rosario.
--
Nagkakape si Coreen nang maratnan ko.
"Nice tong office mo. Ilang CCTV ang nakainstall dito?"
Hindi ko siya sinagot. Naupo ako sa swivel chair pagkalapag ng folder sa harapan niya. "Heto yung kontrata sa condo. Pirmahan mo na lang para makaalis ka na."
"Kapag pinirmahan ko yan ibig sabihin pinatawad mo na ako? Pwede na kitang kausapin? Pwede na kitang ligawan?"
"We will just be civil kapag pinirmahan mo yan. Don't be to wishful."
She signed it immediately. "Better civil not never. Oh yan babe. Signed with a kiss." She literally kissed the part of where put her signature.
Pumirma na rin ako bago isinilid sa drawer ang folder. "Pwede ka nang umalis."
"Hey not so fast babe. Since we're kind of okay. Can I invite you for lunch?"
"Ayoko. Kumain ka mag-isa. Hindi ko dala ang kaldero."Tumayo na ako. Inilahad ko ang kanang kamay ko sa kanya. "Nice doing business with you Coreen."
"So para sayo business na lang talaga ako huh?"
"Yes." Sagot ko na hinihintay pa ring kung makikipagkamay siya o hindi.
Tinanggap naman niya ang kamay ko pero bigla niya akong kinabig dahilan para maisuporta ko ang kaliwang kamay ko sa mesa. She took this opportunity. Dumukwang siya at sa isang iglap dumapo ang labi niya sa labi ko.
Damn! I should have remembered! She's that shitty person who always takes advantage of every opportunity.
She smirked after that smack. "And sealing it with a kiss again. Nice doing business with you babe."
Nasapo niya ang kaliwang pisngi niya nang dumapo dito ang kamay ko. Galit! Inis! Pagkabigla! Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.
"Huwag mo nang uulitin kung ayaw mong magkasubukan tayo! Lumabas ka na!"
--
Mainit pa rin ang ulo ko pagdating sa apartment ni Rica. Namumula nga daw ako sabi niya.
"Kanina pa ba siya nakatulog?"
Tumango siya. "Gusto mo ng tubig? Para kang aapoy sa pamumula."
"Pineapple juice please."
Naupo ako sa gilid ng kama. Mahimbing ang tulog ni Katrina. Si Karlo naman nasa foam na nakalatag sa sahig. Masama na rin ang pakiramdam niya.
Pagdating ni Rica ay inabot ko ang pinapabigay na tulong ni Tito. "May dumating na bang mga kamag-anak ni Nanay Choleng? Anong sabi nila tungkol sa mga bata?"
"Hindi daw nila kayang buhayin ang mga bata. Yung isa naman wala akong tiwala. Dahil balitadong p****r sa lugar nila."
"Mas makabubuting dalhin muna sila sa DSWD."
"Hindi pwede! Dito na lang sila. Kaya ko naman silang alagaan."
"Kailangang sumunod sa proseso. Kahit may kasulatan na pinapaubaya sa kahit sino sa ating dalawa ang pangangalaga sa mga bata hindi rin yon basta-basta. Kung gusto mong ampunin sila kailangan mong mag-asawa."
She sighed in frustration. "Tangina. Boyfriend nga wala ako. Asawa pa kaya? Wala bang magagawa ang mga koneksyon ni Maam Nikee? Ikaw? Mayaman ka naman."
I shoke my head no. "It's a legal matter that we need to follow."
Actually meron. Kaya kong mapadali. Pero kung sa paraan na yon niya hihiwalayan si Lauren ay kailangan kong magmatigas. She needs to choose between the kids and Lauren.
--
Jasmine is pestering me with calls! She keeps on asking bakit ako naglalagi dito. Bakit kailangan kong iextend ng ganito ang tulong ko. f**k!
>>>Bakit ba ganyan ka ngayon? Anong problema mo?!
(Yang kasama mo! Yan ang problema ko!)
>>>Can you give me the freedom to choose my friends? Ano bang mali sa kanya? Ano bang ayaw mo?
(Coz she is into girls! Ramdam ko!)
>>>Mag-usap na lang tayo kapag hindi ka parang tanga. Bye.
Kung alam lang niya na matagal na akong nagkakagusto sa babae baka kada aalis ako ng bahay ay papasundan niya ako. Hay!
"Marekoy..." inaantok lang lumapit sa akin si Karlo. "Bakit ka maaga ngayon?"
"May sakit daw kayo e. Nagugutom ka ba?"
Tumango siya. "Masakit ang ulo ko Marekoy."
Gising na rin si Katrina. Naku! Ang mga alaga ko parehong nanlalata.
"Anong gusto niyong kainin?"
"Lugaw po." Sagot ni Katrina.
"Saglit marekoy." Sabi nitong si Karlo. May kung ano siyang hinanap sa lagayan niya ng damit. "Sayo na to oh..."
Johnson's baby cologne. Bawas na rin ito. Parang hinihintay pa niya kung gagamitin ko o hindi e. fine Karlo. Naglagay ako sa kamay at sa leeg ko.
"Okay na?" nakangiti kong sabi sa kanya. "Angbango. Salamat."
Walang anu-ano ay niyakap nila akong dalawa. Sumiksik sila sa may leeg ko.
"Kaamoy mo na si Nanay marekoy." Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha nila. Humihikbi na naman sila. God! I just don't like getting too emotional!
Hinagod ko ang likod nila. "Ssshh...tahan na..ipagluluto ko na kayo..o baka nakaluto na si Rica."
Tumahan na rin sila pagkalipas ng ilang sandali.
Nakaluto na nga si Rica pero kailangan daw niyang umalis.
"Marekoy, totoo ba yong sinabi ni nanay na aampunin niyo kami?"
Napatingin ako kay Karlo. "Gusto mo ba?"
"Gusto ko po kay ate Rica. Gusto ko rin siyang alagaan. Laging malungkot e." sagot niya. "Si Kuting pwede sayo na lang marekoy?"
Natawa ako sa kanya. "Ano ka ba? Ginawa mo naman kayong pusa. Paghahatid namin."
"hindi ba pwede yon marekoy? Para hati kayo? Tapos palagi kayong magkikita?"
Parang may tinutumbok tong batang to e.
"Isa pang salitang lalabas sa bibig mo Karlo, hindi kita aampunin."
Ngumiti siya nang nakakaloko. Labas tuloy yung ngipin niyang kulang-kulang.
"Ate, ayaw namin sa mga tiyuhin namin. Baka ibenta kami. Tulad nung isang kong pinsan." May takot na pakiusap ni Katrina.
"Ano ba kayo. Huwag niyong iisipin yan. Kami ni Rica ang bahala sa inyo."
Sinabayan ko silang kumain. Hay Rica! Paano mapupunta sayo ang costudy ng mga bata kung hindi mo naman ayusin ang buhay mo!
--
Dumating ang gabi. Abala na naman kami ni Rica sa mga nakikiramay. Marami rin ang nagsusugal. The usual kapag may ganito. Sana lang hindi manggulo ang mga to kung hindi isa-isa ko silang ipapadampot.
Sobrang ingay din kasi. Baka biglang bumangon si Nanay Choleng sa ingay nila.
"Matulog ka muna sa kwarto. Baka katawan mo din ang bumigay."Paalala ko sa kanya.
"Okay lang. ikaw tong kailangan ng pahina. Nakakahiya na sayo. Ikaw nag-aasikaso dito. Pati mga bata ikaw na nag-alaga."
"Ganun naman dapat kasi sa atin sila ibinilin."
Dumating si Coreen. Anong ginagawa dito ng babaeng to? May mga dala siyang mga upuan at mga sheds.
"Miss Trinidad! Nag-abala pa kayo."
"Magkakilala kayo?"
"Siya yung bumibili nitong apartment."sagot ni Rica. "Galing siya dito nung nakaraang linggo."
Tinapunan ko ng masamang tingin si Coreen.
"Investment. Pero under negotiation pa yung Nicole."
"Magkakilala din kayo?" confused na tanong ni Rica.
"We're Friends."sagot agad ni Coreen.
"No. Business partners." Paglilinaw ko. "Nothing beyond that."
"Gulo niyo din kausap."natatawang sabi ni Rica. "Teka tutulungan ko tong mga sunog-baga. Baka mag-uwi pa ng upuan e."
Umismid si Coreen nang pinuntahan ni Rica ang mga nag-aayos ng sheds.
"Ganun pala kasakit ang ideny." Sabi nito. "Maganda si Rica kaso kaya ba niyang ibigay ang needs mo?"
"Shut up. Stay away from them."
"Well. Sad to say Babe, tapos na ang usapan namin ng landlady. Ipaparenovate na ni tito ang apartment na to. At kailangan nang magmove out ng tinatangi mo."
"Okay."sagot ko lang. "Ito pala ang gusto mo e. Game on."
Mas marami naman akong source of funds kung pera lang ang pagbabasehan e.
"Matagal nang plan ni tito ito. Nagkataon lang na nandito ako kaya ako ang pinakiusapan niyang maghandle. Please huwag mong masamain."
"Napaka-co-incident Coreen. Napaka."
She sighed. "Sana maniwala ka naman sa akin kahit minsan."
"Marekoy!" si Karlo bitbit ang tray ng mga fruit juice. "Dadalhin ko sa kanila po."nguso niya sa mga nag-aayos ng shed. "Gusto mo po?" tumunghay siya kay Coreen. "Kuha ka po."
"Sige na. Busog pa ako e."
"Okay po."
Tumuloy na si Karlo sa kinaroroonan nina Rica. Si Katrina nakaupo lang sa tabi ng kabaong. Maya't-mayang sinisilip ang nanay niya.
"Those two kids are adorable."
"This is my last warning Coreen. Stay away from them."
"Staying close to them is being closer to you. So sorry. I can't."
I sighed. "Bahala ka. Wala ka ring mahihita."
RICA's POV
Humingi ako ng isang linggong leave para maasikaso ang burol ni Nanay Choleng. Pagod at puyat na ako. Hindi pa makisama si Lauren. Maghapon niya akong hindi nirereply sa dahilang wala daw akong oras sa kanya.
Kinailangan ko pa siyang puntahan kanina para suyuin. Mga bata na naman ang ginawa niyang rason. Kesyo wala na akong oras sa kanya kung kukupkupin ko sina Kuts.
As if may oras siya sa akin e malapit nang umuwi ang asawa niya.
Tangina! Hindi ko na alam kung alin sa mga problema ko ang uunahin kong ayusin! Buti dumating din si Sophie at Raphael. Parang bibigay na rin ang katawan ko e.
"Oh kape."inabot sa akin ni Sophie ang isang tasa ng kape. "Nangangalumata ka na. Matulog ka rin muna."
"Walang makakatulong si Nicole sa pag-asikaso sa mga bisita."sagot ko. "Hindi pa yata yon kumakain. Anong oras na uuwi pa yan maya-maya."
Mag-1:00 na. Nagbibiyahe siya ng mga 3:00 pauwi e. Umiidlip-idlip lang siya sa upuan kapag nakapagnakaw siya ng oras.
"Yung si Lauren. Hidni ba pupunta dito?" tanong ni Sophie.
"Huwag muna natin siyang pag-usapan." Matamlay kong sagot. "Nitong nakaraan e panay ang selos niya sa mga bata."
"Alam mo ang stand ko sa pinasok mo Rica. Sana hanggat maaga pa ay makapag-isip ka na."
Gulong-gulo na nga ako e! Tapos sabi ni Nicole kailangan ko pang mag-asawa para maigrant ang pag-ampon sa mga bata.
Alam ko naman yon! Pero kumakapit pa rin ako sa pwedeng magawang paraan ni Maam Nikee. Yung hindi ko kailangang mag-asawa. Tangina naman kasi.
Papasok sa kwarto si Nicole. Karga-karga niya si Kuting. Kanina pa kasi ayaw bumitaw sa kanya ng bata. Naglalambing kasi sinisinat pa rin. Nag-excuse ako kay Sophie para sundan siya.
"Nakatulog na rin si Karlo. Pakidala na rin dito."
Nakadukdok sa mahabang upuan si Kuting. Gumaan na ang timbang nito. Hay. Pinagtabi na namin sila.
"Kailangan ko na ring umuwi." Paalam niya pagkatapos kumutan ang dalawa.
"Pwedeng dito ka na matulog? Hahanapin ka ni Kuting ulit e."
"May trabaho pa ako bukas." Pagrarason niya. "Saka kapag masanay ang mga to sa akin baka sa kin na sila magpaampon."
"Mas maigi na siguro yon kaysa mapunta sila sa mga tiyuin nilang walang kwenta."
"Are you trying to runaway from them?"
"Hindi. Hindi yon ang ibig kong sabihin." Pagtanggi ko kaagad. "Pero mas may kaya kang mapunta sayo ang custody ng mga bata kaysa sa akin."
"Hindi ko rin sila pwedeng ampunin kung wala akong asawa. Up to you. Kung igigive up mo sila sa DSWD. Ang pinakaworse na mangyayari ay ibibigay sila sa kamag-anak nila."
"Ate Nicole, aalis ka?" nagising ang prinsesa Kuting. "Dito ka nap o matulog. Kasya naman tayo dito."
Nagkatinginan kami ni Nicole. "Pagbigyan mo na. maglalatag na lang ako ng foam mamaya para tulugan ko."
Wala na rin siyang nagawa dahil nagising na rin si Kuts. Umusog pa siya para kumasya si Nicole.
"Kukuha lang ako ng extrang kumot."
Pumasok ako sa kwarto ko. Pinalitan ko ng punda yung dalawang unan saka kumuha ng kumot sa cabinet. Amoy downy pa naman to. Hindi na nakakahiya baka mangati siya. Baka hindi sanay sa ganitong kumot e.
Pagdating ko naman sa kwarto ng mga bata tulog na siya. Nagkasya sa pag-unan sa braso niya. Okay. Maingat ko siyang nilagyan ng unan para naman hindi mangawit ang braso saka kinumutan. Inilipat ko din ang electric fan para hindi sila gaano mainitan.
Pinicturan ko silang tatlo. Hindi ko naman to pwedeng ipost dahil baka ulanin na naman ako ng maanghang na text galing kay Lauren.
Pakita ko na lang sa mga bata bukas.#