FY 24.2 NICOLE's POV Nasa office ko sina Rica habang ako naman ay nanatili ditto sa office ni Chen. Nandito rin sina Ethan at Noah. "Pamilyado na pala itong si Engineer Perreras kaya hindi na natin nakakasama e. Masaya ba ang may familia Senorita?" biro ni Noah. "We're not a couple okay? Tigilan niyo ako. Yung conference ang pagtuunan ninyo ng pansin." Pag-iiba ko na ang usapan. "Bukas pwedeng bumulaga na si Jasper. Hangga't kaya niyo iwasan niyo na lang siya. Malambot ang puso ni Tita Julia kaya ipapaubaya ko na ang position sa kanya. Gagamitin ko ang bagong office ni Jassy. Basta magfocus lang kayo sa mga hawak niyo." "baka naman lumubog ang SAECOM kapag siya ang magmanage." "Then may back up tayo. Magtatayo tayo ng bagong company. Susulutin natin lahat ng clients ng SAECOM." "Hin

