--23.2-- RICA's POV Nang malakabas ng kwarto si Boss Nicole gusto kong batukan ang sarili ko. Para ko nang binargain ang ovary ko ah! Bawiin ko kaya? Naku naku Rica ikakapahamak mo ang pagkataklesa mo talaga! Nakakahiya ka Rica! Tinampal-tampal ko ang sarili ko. Sa ganung eksena niya ako nakita. Bakit pa ba siya bumalik? "What are you doing?" "Ha? Wala la. Bakit ka ba bumalik?" "Pinapatawag ka ni Chloe. Tulungan mo daw sa foods." Oo pala! Nalimot ko na ang pagkain. Kami pala ang toka dun. Hinintay niya ako. Pakiramdam ko namumula pa rin ako. Wala kaming imikan hanggang makarating sa cottage. Kumpleto pati lutuan! Iba talaga pag yayamanin na outing wala ka nang hahanapin pa! "Oh bakit wala ang labeydabey ni Chloe?" Usisa ko siyempre. Wala kasing umaaligid kay Chloe the preggy e. "N

