--19-- NICOLE'S POV "Matatapang lang kayo kasi marami kayo!" panunuya pa nitong lalaking nasa harapan namin. Nakaposas at nakapiring ang gago. Nasa edad 35-40. Nasa listahan daw siya ng mga wanted sa pagtutulak ng droga. Hindi niya ininda ang mga pambubugbog na natanggap niya kanina. Gago! Gusto kong isubsob ang mukha ng lalaking to sa sahig. Pagkatanggap ko ng mga larawan ay pinatrace ko agad kay Jelo ang IP address ng sender. God! Pinapalampas pa namin ang mga nakaraang pagsunod-sunod nila kay Rica pero ibang usapan na ang pagbabantang natanggap ko. Malas pa nila dahil bente Kwatro oras na akong gising! Pinalabas ko ang mga tauhan ko. Yes. I have this little secret too. Actually they are Tito Zandro's informants. I just call them when I have little mess to clean. "Sinong nag-utos s

