29.2 RICA's POV "hindi ka ba natulog dahil sa bukol o dahil umalis si Nicole?" "sa bukol."sagot ko naman. "Namo ka." Anglutong naman ng mura niya. "Ikaw alam mo napakasinungaling mo sa sarili mo. Sinong tanga ang hindi matutulog dahil lang sa bukol?" "Ako." "Bueset. Sa lahat ng kinwento mo sa akin, kung ako ang nasa lugar mo e kikiligin ako. Pero ikaw tatanga-tanga ka." "Wow ha! salamat. Napakalaking tulong!" inis kong nilagok ang isang basong coke. "Pinapaalala ko lang sayo na broken hearted ako." Tinawanan lang niya ako. "Mukha mo. Matagal ka nang broken hearted simula nung pinagsusuot ka ng patotoy ni Lauren." Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ko n asana sinabi sayo ang mga ganyang bagay." "E kaso sinabi mo." Seryoso na naman ang ekspresyon niya. "Hindi ba't malaking tinik di

