Chapter 5

1349 Words
Pinasuot siya ng t-shirt ni Hector para makalabas siya sa veranda at makalanghap ng sariwang hangin. Maraming pagkaing nakahain sa mesa na kaagad siyang natakam. Wala siyang maayos na kain kagabi bukod din sa kaunti lang ang tulog. Masakit ang buo niyang katawan pero hanggang bukas pa ang takda niyang oras kay Hector dahil nag-extend ito ng isa pang buong gabi. "Ano ang plano mo pagkatapos?" tanong ni Hector sa kanya nang tumayo ito sa hamba ng pinto. May hawak itong baso na may lamang alak. Kagabi pa din ito umiinom. Pero aaminin niyang nakadagdag sa appeal nito ang mabangong alak na nakahalo sa hininga nito tuwing hahalikan siya. "Babayaran ko ang tuition fee ng mga kapatid ko para hindi ko na problemahin ng isang taon. Pagkain na lang at bayad sa apartment ang iisipin ko. Maghahanap muna ako ng marangal na trabaho." "Bakit hindi ka mag-aral?" "Hindi ko na kakayanin kapag tatlo pa kaming mag-aaral." "I want to give you a job. Pag-alis mo dito ay pumunta ka sa Sanrio Manufacturing Corporation. Hanapin mo si Luigi. Bibigyan ko siya ng instruction kung anong posisyon ang puwede niyang ibigay sa 'yo." "B-baka malaman ng asawa mo?" Sandali itong tumahimik. May palagay siyang malaki ang problema nito sa asawa. Naroon ang kagustuhan niyang sunggaban ang alok nitong trabaho dahil sadyang mabait si Hector Sanrio. Pero kung magiging problema pa nito lalo ang pagbibigay ng trabaho sa kanya ay mabuti nang huwag na lang. "I'll be leaving early tomorrow," wika nito sa halip. "Iiwan ko sa staff ang bayad ko sa 'yo at kaunting courtesy gift. Babalik ako dito sa susunod na buwan pero hindi para i-take out ka ulit kung hindi ang masiguro na wala ka na dito. You don't belong here." "Pero... sasali ka ulit sa bidding?" Naroon ang panibugho sa dibdib niya. Kung asawa nito ang tatabihan sa kama ay wala siyang karapatang magselos. Pero ibang usapan yata kapag katulad niyang babae ang paliligayahin nito ulit. Ilang oras pa lang silang nagkasama ni Hector ay nahuhulog na ang loob niya sa lalaki. Una pa lang kasi ay malakas na ang dating nito. Idagdag pa ang misteryoso nitong personalidad at galing nitong paligayahin ang sinumang babae sa kama. Aaminin niyang malaking bagay na compatible sila sa parteng iyon. "Salamat..." "Let's eat." Lumakad ito palapit at umupo sa silyang nasa harap niya. Naka-boxer lang ito at lantad ang matipuno at mamula-mula nitong dibdib. Nag-iinit ang pisngi niya tuwing maalala na kanina ay pinaglandas niya ang mga labi doon pababa sa pagitan ng mga hita nito. Kumain naman siya nang marami. Karamihan ng pag-uusap nila ay tungkol sa kanya. Naiintindihan niyang hindi nito gustong isiwalat ang pribado nitong buhay. Dapat nga ay hindi na talaga sila magkita pagkatapos nilang maghiwalay dito. Pagkatapos ng almusal ay naglangoy na ito sa dagat habang siya ay nanatili lang sa veranda habang hinihintay itong matapos. Paminsan-minsan ay sumisipsip siya ng red wine na isinalin ni Hector sa kopita niya. Makakadagdag iyon sa kompyansa niya mamaya kapag kailangan niya nang gampanan ang trabaho niya. "You had enough..." Kinuha ni Hector ang kopita sa kamay niya pag-ahon nito. Hindi niya napansin na mahigit kalahating bote na ang naubos niya kakatikim niya nang paunti-unti. "Ang tagal mo kasi," sagot niya na isinandal ang likod sa malambot na sofa. Nang tumingala siya ay lumantad lang sa paningin niya ang basang katawan ni Hector at ang namumukol nitong hinaharap na halos malapit lang sa mukha niya. Napalunok siya nang hindi inalis ang mata roon. May bahagi ng tiyan niya ang nililiparan ng paro-paro sa kaisipang aangkinin siya ulit ni Hector mamaya. "Don't stare at me like that..." Napahiya naman siya na inilayo ang tingin. Sa kanilang dalawa ni Hector ay siya pa yata ang mas may pangangailangan ng katawan ngayon. "I'm sorry..." "Not because I don't want to have s*x with you. I would love to. Pero baka masakit pa ang katawan mo," paliwanag naman nito para hindi siya mapahiya. "B-baka kasi... hindi masulit ang ibinayad mo..." Isang matamis na ngiti ang pinakawalan nito bago bahagya siyang niyuko. "Masakit pa ba?" "K-kaunti na lang..." "Meaning... pwede na ulit?" Bago pa siya sumagot ay hinawakan na nito ang kamay niya saka iginiya papasok sa villa. Pero sa halip na sa kama ang tungo nila ay dinala siya nito sa shower room. Inalis nito ang natitirang saplot sa katawan saka tumapat sa dutsa. Nakatanga lang siya sa pagligo na ginagawa nito. Sinabon nito pati ang naghuhumindig nitong p*********i at nagbanlaw. "Join me..." mahina nitong utos pero may awtoridad. Hinubad niya ang t-shirt na suot at lumapit. Agad siyang sinunggaban ng halik habang ang kamay ay naglandas sa katawan niya. Dahil puro alak na rin ang nasa sistema niya ay wala na siyang pag-aalinlangan. Ito na rin naman ang pangatlong beses siyang aangkinin sa loob lang ng wala pang bente kwatro oras. Pagod. Puyat. Pananakit ng katawan. Wala na si Hector kinaumagahan na gumising siya. Pero wala na siyang pagsisisi sa lahat ng nangyari dito sa kanya sa isla. Nagkaroon na siya ng pera at nagkaroon din siya ng maraming karanasan. Babaunin niya ang magandang alaala ni Hector pagbalik niya sa Maynila. Naisip niya na puntahan ito sa sinabi nitong kumpanya pero baka hindi na rin siguro. Tama na ang minsan itong nangaliwa sa asawa. Hindi siya magiging instrumento para tuluyang masira ang pagsasama ng dalawa at makasira ng pamilya. Bumalik siya sa silid niya at doon nagpahinga. Matutulog siya maghapon bago niya kakausapin si Vida na kung puwede siyang payagang makaalis. Wala naman na siyang dahilan para manatili dito. At wala rin siyang balak na gawing trabaho ang pagbebenta ng laman sa kung sino-sinong lalaki. "Mag-empake ka na, Georgia. Kasama ka sa susunduin ng private plane mamayang alas diyes," wika ni Vida nang pumasok sa silid niya. Tiningnan niya ang orasan sa nightstand. Alas singko pa lang ng hapon. "A-aalis na 'ko? Papayagan akong umalis dito sa isla?" Nagulat siya dahil magpapaalam pa lang siya at hindi pa sigurado kung papayagan siya. Dapat kasi ay mananatili pa siya rito ng ilang buwan. Magbabakasakali lang sana siya tutal ay malaki na ang kinita niya. "Kinausap kami ni Mr. Sanrio bago siya umalis. Nag-iwan siya ng malaking halaga kapalit ng kalayaan mo." "Si Hector?" "Uhmmm... Mukhang tinamaan nga sa 'yo ang matandang 'yun ah. Pero confidential ang lahat ng 'to ha? Ang sabi niya'y magpakalayo-layo ka at magbagong buhay. Nag-iwan din siya ng pera sa 'yo bukod pa sa kinita mo doon sa bidding." "M-magkano?" "Limang milyon. Bukod pa sa kinita mong 2.4 million sa bidding. Tama nga naman ang matandang 'yun, malaki pa ang potential mo na magkaroon ng magandang buhay na malayo dito. Kaya mag-empake ka na at mamayang gabi ay kailangan mo nang umalis." Hindi siya makapaniwala sa lahat ng nangyayari. Imbes na kamuhian niya ngayon ang tiyuhin niya na nagbenta sa kanya sa isang sindikato ay gusto pa yata niyang pasalamatan. Sobra sobrang biyaya ang natanggap niya mula kay Hector. Hindi niya alam kung dapat niya bang kurutin ang sarili niya dahil baka nananaginip lang siya. Matapos mag-empake ng kaunting gamit ay naglakad-lakad muna siya sa paligid ng isla para namnamin ang lugar na hindi niya na babalikan kailanman. Palubog na ang araw sa dulo ng karagatan at kulay ginto ang langit. Napakaganda ng lugar, kung hindi lang sana ito pugad ng pagbebenta ng laman. At halo-halong emosyon ang nararamdaman niya habang papalubog ang araw. Naroon ang lungkot at panghihinayang. Sana'y may paraan para makasama niya ulit si Hector sa panahong malaya ito at siya naman ay wala sa ganitong kalagayan. Pero malupit din talaga ang buhay minsan. Kailangan niya na lang ipagpasalamat na minsan ay nakatikim siya ng tamis. Malayo layo pa rin naman ang mararating ng iniwan ni Hector sa kanya. Mapapatapos niya ng pag-aaral ang kapatid. Isang malalim na buntunghininga ang pinakawalan niya bago nilisan ang dalampasigan. Kalilimutan niya si Hector dahil iyon ang nararapat. Kung makakahanap siya ng lalaking magmamahal sa kanya nang buo sa kabila ng pagkawala ng pinakaiingatan niya ay saka niya na iisipin pa. Siguro naman ay marami pang lalaking kasingbuti ni Hector.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD