"Marami pa lang nangyaring aksidente kahapon malapit sa amin," wika ni Jona habang nagkakape silang dalawa ni Po sa veranda. "Talaga? Ano na naman ang ganap sa inyo?" tanong ni Po. Nakatuon ang paningin nito sa laptop habang nagta-type. "Iyong nagtitinda sa amin ng barbecue at kung anu-ano pa sa tapat ng bahay namin na si Aling Metring ay inatake sa puso. Nakahingi pa raw ito ng patawad sa lahat bago nangyari iyon. Pangalawa naman ay iyong kaskasero naming kapitbahay naaksidente naaksidente naman. Dead on arrival. Pangatlo naman ay iyong mga squaters area sa unahan namin ay na-relocate na. Medyo good news iyong huli," nakatuon din ang tingin ni Jona sa cellphone nito. "Kaninong source iyan?" "Ang nanay ko ang nagsabi sa akin." "Ah, kakaiba na talaga ang mundo ngayon. Maraming kabab

