Nag-anunsiyo si Zeus sa lahat na magkakaroon sila ng isang linggong bakasyon kung saan nila gustong pumunta. Kaya lamang ay kailangan kasama ang mga ito dahil na rin sa bantang panganib. Nais din ng mga itong maging payapa ang isipan nila sa nangyari at hindi makakaapekto ang sariling emosyon sa kanilang training. "Anong balak niyo, girls?" tanong ni Jona sa lahat. Nasa kwarto sila at nag-iisip kung saan sila magbabakasyon. "Ako? Sa lab lang ni Hermes. Alam niyo na, gusto ko pang ma-explore ang mga mahika nila. Pero sabi naman niya ay may pupuntahan daw kami," tugon naman ni Jingky. "Nag-iisip pa ako ngayon. Hay, ang sakit ng ulo ko. Napasobra ako ng inom kagabi," sapo pa rin ni Po ang noo nito. "Wala kang matandaan sa nangyari kagabi? Nakipag-inuman ka pa hindi ka naman sanay," hig

