"Kaya mo bang lumakad?" tanong ni Abram sa akin. Kaaalis lang ni Bible dahil may biglaang appointment daw ito. Tumawag kasi ang manager. Iba rin talaga ang kaibigan kong iyon, sikat na modelo, may ilang commercials na rin. Maraming offer sa big screen pero ayaw nito. "Hindi naman ako imbalido." Inirapan ko ito sabay tayo. Bahagyang umangat ang kilay ni Abram nang humakbang ako palayo rito. Ang tuwid na lakad ay naging bahagyang ika-ika. Masakit pa kasi. "Kaya mo ngang lumakad." Biro nito saka dinampot ang mga gamit namin at sumunod na sa akin. Bahala na si Chef Lip na magsara ng The Alpha's Foodie. Pinagbuksan ako nito ng pinto at saka mabilis na inilagay sa backseat ang mga gamit namin at umikot patungo sa driver seat. Sinusubukan kong tawagan si Kuya Cayde para kumustahin ito ngu

