Boring ang restaurant. Ilan sa mga costumer ko ay abala sa mga trabaho nila. Antok na antok akong nakakalumbaba habang titig na titig sa entrance. Nasa work si Abram. Mas pinili kong tumambay rito, in case na tumawag si Mommy. Nang mag-ring ang phone ko at nakitang si Marvin ang tumawag ay mabilis kong sinagot. "Marvin..." "Hi," waring pagod na pagod na ani nito. Ako lang ba? Para kasing pumayat ito at maputla. "Are you okay?" takang ani ko rito. Sa itsura nito ay parang hindi. Hindi ako sanay sa ganoong itsura nito."May sakit ka ba?" worried na tanong ko. Walang sigla ang naging ngiti nito. Bahagya pang iniiwas ang phone nang inihit ito nang ubo. "You're not okay." "Trangkaso lang ito. Magiging okay rin ako. Lalo't nakausap na kita." Napangiti naman ako."Dumalaw ang Mommy mo k

