Sixteen: Trust him

1424 Words
"SOL... TEKA! Ikaw ang nagsabi saking hindi ka kikilos hanggat walang plano si Sinag. Ikaw ang nagsabing mag-aantay tayo. Ano 'to? Please, calm down!" Biglang nabaliktad ang sistema. Ako naman ngayon ang nagpipigil sa pag-alis ng lalaking kasama. Pagkatapos kasing mamatay ng tawag kanina ay halos hindi magkandaugaga si Yvonne sa pagkuha ng mga armas. "My friend's in danger. I need to save him." Wala na siya sa sarili sa sobrang pagkataranta. Hindi siya pwedeng magpadalos-dalos. Mas malaki ang tsansang mapahamak siya. "Look, Luna... hindi si Erl ang nakausap ko sa telepono kanina. Ibang tao, ibang lalaki... at alam kong nasa panganib ang kaibigan ko. H-He told me, wala siyang miyembrong taksil kaya papatayin niya si Erl–" Wala na akong ibang maisip na paraan para pigilan siya. Nakahanda na ang mga gamit sa backpack niya. Hindi na niya naisip ang mga salitang sinabi nito sa akin noon — noong ako naman ang nagpupumilit umalis. "Erl's a good friend, Luna. Wala akong pakealam kung sa amin lang siya naging mabait. I'm saving him. I failed to save my sister, I'll take the risk now for my friend." malalamig ang mga boses niyang sabi. Wala na akong ibang maisip na paraan kaya mabilis ko siyang niyakap mula sa likuran. Kaagad din siyang napahinto at mukhang nagulat sa ginawa ko. Sa totoo lang, noong mga unang araw namin dito, gustong gusto ko nang makipagpatayan pero ngayon, bigla akong nakaramdam ng takot. Imbes na itigil na ang pagyakap ay kabaligtaran ang ginawa ko. Mas hinigpitan ko iyon lalo pero hindi rin nagtagal noong naramdaman ko ang mga kamay niyang pinilit na tinatanggal iyon. Sinamantala niya ang takot at pag-aalala ko para tuluyang maluwagan ang pagkakayakap ko rito. Agaran niya akong hinarap at nagpakita ng isang malaking ngiti. "All the hatred will end now, Luna. Mapaghihiganti na natin ang daddy mo–" "S-Sasama ako, magtulungan tayo..." pagkukumbinsi ko sakanya sa mahinang boses pero katulad ng mga sagot niya kanina, umiling lang ito. "Here's the plan, pupunta ako ron. Ikaw naman ang bahalang magcontact kay Boss Sinag. Magpadala kamo siya ng mga mga back-up, ikaw, papasok ka kasama sila. You will not do this alone–" "Pero hindi ako mag-isa kung magkasama tayo!" singhal ko rito, natataranta na rin. "Luna, listen to me. I don't want us to take the risk. Uunahan ko, pagkatapos saka lang rin kayo susunod. Naiintindihan mo ba? Seek help... iyon ang gagawin mo para matulungan ako," dere-deretso niya lang na sabi lalo pa't parang hindi ko na magawang ibukas ang bibig dahil sa malakas na pagkabog ng dibdib. Anong nangyayari? Hindi dapat ako natatakot. Hindi dapat ako nag-aalangan dahil una pa lang, ito na talaga ang gusto kong gawin. "You have to trust me, Luna." Trust... do I trust him? Do I need to trust him? Alam naman ng lahat kung paano ko siya naging mortal enemy. Alam ng lahat kung gaano ko kaaway sakanya simula pa lang. Paonti-unti man, nagawa ko pa ring tumango. Wala naman akong ibang choice. Kailangan ko siyang pagkatiwalaan dahil once na nagtagumpay siya, it will benefit me as well. Naipaghiganti niya ang pamilya niya, naipaghiganti ko rin si daddy. "Good. Now, call Sinag then ihanda mo rin ang sarili mo. It's now or never, Luna." Kung hindi niya pa nagawang bitawan ang mga kamay ko ay hindi ko pa mamamalayang nakahawak pala ako roon. Nagtama muli ang mga mata namin at doon ko lang halos nakita ang mga emosyong pilit na itinatago ng lalaki. "We'll win this," taas-noo ko na ngayong sabi kaya ganoon na lang rin ang lawak ng ngiti ni Yvonne. Nagulat ako noong mabilis niya akong hinigit para yakapin pa sa huling pagkakataon bago lumabas nang tuluyan sa bahay. Hindi na siya muling lumingon kaya ginawa ko na rin ang pinagplanuhan. Nagkukumahog kong kinuha ang cellphone kong nakapatong sa mesa at agad na tinipa ang numero ni Boss Sinag. "Tangina naman, oh!" napasigaw na lang ako dahil sa ika-sampung tawag ko sa lalaki ay wala man lang sumagot. Pinapunta niya kami rito para gawan siya ng pabor na pagmanmanan ang The Odds pero iiwan niya kami sa ere? Wala siyang magawa kapag kailangan na namin siya? Si Yvonne! Agad ko namang hinanap ang numero nito sa cellphone na hawak gamit ang nginginig ng mga daliri. Napasinghap na lang ako ng biglang may malakas na tunog na galing sa sofa. It was his phone... naiwan niya pa. "Malas!" Gusto ko nang hatiin ang katawan ko ngayon, sa totoo lang. Gusto kong sundan ang lalaki pero may punto rin naman siyang kailangan ko munang humingi ng tulong dahil sadyang marami ang mga The Odds. Pero ginawa ni Yvonne na sumugod mag-isa roon! "Lirik–" Nang maisip ang ideyang iyonnay siya naman ang tinatawagan ko. "Hi! This is Liam, hindi ko masasagot ang tawag mo ngayon dahil busy pa ako sa panchichicks. I-text mo na lang ako para–" Nadabog kong naiwasiwas ang cellphone ko. "Punyeta ka, Lirik!" Inulit ko lang nang inulit ang pagtawag kay Boss Sinag, kaya lang katulad ng mga naunang sitwasyon, puro ring lang ang naririnig ko mula sa kabilang linya. Hindi ko mapigilang mapatili sa sobrang inis na nararamdaman. Mabuti na lang ay agad nabaling ang tingin ko sa cellphone ni Yvonne na naroon. Mabilis ko iyong kinuha at laking gulat nang walang password ang cellphone. Siraulo rin ang lalaking iyon! Paano kung bigla itong ma-snatch? Edi tiba-tiba yung snatcher kasi hindi na siya magpapajail-break? Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Isa pa, masama rin ang mangealam kaya ideniretso ko agad ang tingin sa contacts nito. Naghanap ako ng maaring numero ng mga taong nasa ADU pero wala akong ibang nakita roon kundi ang kay Lirik, sa akin at kay... Agent Malaya? "Isang conversation lang promise," bulong ko sa sarili ko habang itinuloy ang pagpindot hanggang sa inbox at mabilis na hinanap ang usapan nila ng babae. A. Malaya 08/03/20 A. Malaya 7:36am: Thank you po ulit Nabalaan ko na pala si Tatay. Yvo 9:54am: Good, ingat na lang sa susunod Napakunot ang noo nang mabasa pa ang mga sumunod na usapan. A. Malaya 08/25/20 A. Malaya 7:56pm Libre ko naman sa susunod swear Yvo 7:58pm Sige abangan ko yan A. Malaya 7:58pm Really? Yey Yvo 7:59pm Hahaha "Cold, amp." Natawa pa ako muli saka nagmadali nang maalala ang dapat na ginagawa. Agad kong tinawagan ang numero ni Malaya gamit ang mismong telepono ni Yvonne. Ilang ring at agad na sinagot. "Yvo?" Hindi siya nagkuya? Aba! Mas matanda kaya si Yvonne sa babaeng ito. Ilang beses kong inayos ang sarili ko para makalimutan ang kalikutan ng isip. "Agent Malaya, this is Agent Luna. Nasa HQ ka?" Narinig ko ang pag-ungos ng nasa kabilang linya. "Wala po, eh. Kakalabas lang sa klase ko. Bakit?" "Listen," sabi ko. Nakarinig naman ako ng purong katahimikan doon kaya agad akong nagpatuloy. "Go to the HQ now and tell Tatay na magpadala ng back-up. Now, Malaya. We're in danger... Yvonne's in danger even he's friend, Erl." "Ano po?! M-Magpupunta na ako, susunod kami lahat dyan." Hindi na niya ako inantay na makapagsalita. Agad din niyang pinatay ang tawag. "Alalang alala kay Yvonne, ha." ••• Ilang minuto na akong nag-aantay ng tawag ni Boss Sinag pero wala pa rin akong nakuha. Sinubukan ko ring tawagan si Malaya pero hindi na rin siya ma-contact. This is so useless. Muli akong umakyat sa kwarto at kumuha ng sariling gamit. Naroon ang mga b***l kong dala sa loob ng duffel bag, dalawa na lang iyon lalo pa't mas kinailangan ni Yvonne ang mga iyon kanina. Swerte ko na lang ngayon at nag-iwan pa siya ng iilan. Wala akong mapapala kung mag-aantay ako. I need to move as well. Halos magdidilim na noong makarating ako sa gilid ng malaking mansyon. Dito sinasabing nagkukuta ang The Odds. Namamawis nga ang kamay kong pinipilit ko itong pigain. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano marahil ang nag-aantay sa akin dito. Ganoon na lang ang gulat ko nang nakaawang na ang malaking gate na naroon. "Andito ka na, MJ. This is for daddy." Unti-onti, pinilit kong humakbang papasok. Kalkulado ang bawat lakad. Mariin kong pinakikiramdaman ang lugar. Pero ganoon na lang ang gulat ko nang imbes na napakaraming tauhan ng The Odds ang bumungad sa akin ay walang tao-tao at napakagulong lugar. Nagkagulo na. Nahuli na ako. "Yvonne..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD