Four: Chill

1181 Words
"UNO na, MJ? Maadun ka kidamlag?" Ano na, MJ? Pupunta ka bukas? Mabilis ang naging paglingon ko kay Ysa, kaklase ko. Group leader din namin para sa gagawing reporting sa Lunes. Lintek naman, akala ko pa naman wala akong gagawin kinabukasan at magagawa kong matulog maghapon. "Kidamlag na palan yadto?" Bukas na pala 'yun? Hindi ko na naitago ang pagnguso, navivisualize ko ang paghiga sa malambot na kama ng headquarters bukas eh. "Iyo, alatun ka namun." Oo, aantayin ka namin. Bumagsak ang balikat ko nang naglakad na itong palayo matapos magpaalam. Sigurado na talaga? Hindi na pwede i-postpone? Padabog kong itinago ang mga gamit ko sa hawak na bag. Wala naman akong ibang choice, eh. Pagnalaman ni Sinag ang hindi ko pagsipot sa mga groupworks, paniguradong malalagot ako. Palabas na noong makasalubong ko pa si Ferdie, kaibigan ni Liam at kaklase na rin namin. "MJ, tigaanap ka ni Liam. Importante gayud an itataram simo." MJ, hinahanap ka ni Liam. Importante ata 'yung sasabihin sayo. Tinanguan ko na lang at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad. Bakit nga ba mabilis na lang nawala ng kutong-lupang iyon? Lilisanin ko na lang ang campus noong may grupo pa ng mga babae ang tumawag at lumapit sa akin. Aba! Mabenta ata ako ngayong araw dahil maraming kumakausap sa akin. "Ika su barkada ni Liam, adi?" Ikaw yung kaibigan ni Liam, 'di ba? Hiyudepu– bakit ba puro Liam ang bukang bibig mga tao?! Kung may kailangan kay Liam edi si Liam ang kausapin! Naninigkit ang mga mata kong binalingan ang tatlong babaeng naghahagikhikan sa harapan ko. Nag-aabang ng sasabihin ko pero nagsabay-sabay ang pagbagsak ng balikat dahil sa ginawa kong pag-iling. "Ika yadto. Dali na, pakitaw daw tabi yadi sanya." Ikaw 'yun, eh. Dali na, pakibigay naman 'to sakanya. Bumaba ang tingin ko sa inaabot ng babae, maliit na box iyon. "Salamaton!" Maraming Salamat! Kinuha ko na ang kahon at dumerecho pa sa paglalakad. Bwisit na Liam ito, ginawa pa akong taga-deliver ng kaanuhan niya sa mga babae. "MJ! Kanina ka pa naman kinokontak— aray ano ba?!" bumungkaras ako ng tawa sa pikon niyang pagmumukha. Hinagis ko kasi ang matigas na box na iyon nang biglaan sakanya. "Pinabibigay ng admirer mo," sabi ko. Lumawak naman ang ngiti ng siraulo, feel na feel. Baka naman akala niya gwapo siya porket binigyan siya ng mga babaeng iyon. Hindi ba pwedeng bulag lang? Iniwan ko na sa labas ng HQ ang tumatawa tawang si Lirik at dumeretso na sa conference hall. Meeting na naman panigurado. "Luna, maupo ka." inilibot ko ang paningin bago umupo. Marami rami kaming nandoon ngayon. Kasama na ang mga Elites, Supreme at ang Patrols. "Well, kalat na talaga ang The Odds sa University. Sumubok na tayo sa unang pagkakataon, may nakuha pero matitigas ang mga tao ng The Odds. Ibubuwis ang buhay para hindi mabulilyaso ang grupo nila," derederetsong sabi ni Sinag. Namataan ko na rin ang pagpasok at pag-upo ni Lirik sa kabilang parte ng conference hall na naglabas pa ng dila para mang-asar. "Ngayon, nakakuha ulit kami ng tip na bibisita ang The Odds sa mga estudyante ngayong Freshmen's Ball." Sa narinig ay lalo ko lang naalala ang sinabi ng kalbong nahuli namin ng nakaraan. Kaya andito ang The Odds dahil iniisip nilang excitement ang habol ng mga estudyante. Mananatili sila rito hangga't tinatangkilik sila at pinaniniwalaan ng iilan. Nagkibit balikat ako sa naisip. Matatalo rin namin ang mga iyan, kailangan lang namin ng oras at perpektong plano. "Also, gusto kong ipakita sainyo ang bagong bagay na natuklasan ng ADU dahil kay Agent Sinta." Ipinakit mula sa malaking monitor sa harap ang features ng bagong kagamitan, pinangalanan din iyong 'Chill'. Gawain nito na mapatigil ang kalaban. Kumbaga, para itong tinamaan ng kapangyarihan ni Elsa sa Frozen pero hindi yelo ang makikita sa katawan ng kalaban. Basta na lang itong mapipigilan sa paggalaw. Pero katulad ng ilang imbensyon ni Agent Sinta, mayroon lang itong kaakibat na oras. Magtatagal lamang iyon sa katawan ng tao ng isang oras, pagkatapos ay balik na naman ito sa paglusob. Madalas, humahanga rin ako sa babaeng ito. Masyadong matalino! Samantalang ako ang kaya ko lang atang gawin ay matulog. Matutulog lang ako, kinaumagahan may bagong imbensyon na namang ipakikita si Sinta. Malaki ang ngisi ko nang magtaas ako ng kamay, iniisip isip ko lang kung kailan ko magagantihan si Lirik sa ginawa nito sa damit na pangdisguise ko. Sino ba namang mag-a-akalang ngayon ko iyon magagawa? "Bossing, hindi malinaw sa akin. Pwede bang ano?" sinulyapan ko si Lirik na madilim na ang tingin sa akin. "Pwede bang sample kay Lirik?" "Luna naman!" Nagtawanan ang mga taong nandoon, maya maya pa pinipilit na siya ng iilang magpunta sa kaharapan. "Dali na, isang oras lang naman!" gatong ko pa. "Boss, ayoko po. Pinagtitripan lang ako ng babaeng 'yan, eh!" Nang pati si Sinag ay bumungkaras na ng tawa, alam kong panalo na kami. "Dali na, Lirik. May dagdag 'to sa allowance." Naghiyawan lang tuloy ang mga taong naroon. "Eh, paano kung mamatay ako nyan?" "Oh, come on!" umintrada na rin si Ligaya. "Wala ka bang tiwala kay Sinta, Rik?" Wala siyang nagawa, kami naman ay halos malagutan na ng hininga sa kakatawa. Nagpalakpakan ang lahat, epektibo nga ang ginawang Chill ni Sinta. Magaling nga ito! Walang kupas. Kaya lang, mag-aantay pa ata kami ng isang oras bago tulugyang makausap si Lirik. Kunot na kunot pa ang noo habang hindi niya maigalaw ang katawan niya. Sandali kong kinuha ang cellphone ko, kapagkuwan ay kinuhanan siya ng iilang litrato. Maitatago ko pa iyon, pang-asar din sa lalaking ito. Nang magsialisan ang lahat ay nakisali na ako, matagal tagal pa ang isang oras at itutulog ko na lang muna iyon kaysa mag-antay. Pabalik doon ay nakita kong muli ang box na ibinigay ko kay Lirik. Iyong kapareha ng box na pinaabot ng mga babae sa CBEM sa akin kanina. Pinulot ko iyon at nakita ang laman. Tadtad iyon ng maliit na papel na hinuha ko ay may mga mensahe para sakanya sa loob. Ang sweet naman pala. Bakit naman kaya andito ang mga ito? Napagdesisyunan kong bumalik sa conference hall para muling iabot kay Lirik ang kahon. Sayang naman nito kung itatapon na lang. Paniguradong pinaghirapan din naman ito ng babae. Ibinalik ko sa lalagyan ang iilang papel na nagkalat at nagpasyang simulan ang paglalakad. Iyang kupal na Lirik na iyan, mananagot ito sa akin. Sino siya sa tingin niya para sayangin ang effort ng isang babae?! "Ikaw, napakamanhid mo." Awtomatiko akong napahinto nang marinig ang isang mahinang boses. Sinta?! Hindi ako tsismosang tao pero sa pagkakataong iyon, hindi ko napigilan ang hindi pakinggan ang babae. Kinakausap niya ang hindi makagalaw na Lirik? "Sabagay, hindi mo naman ako napapansin. Malapit naman ako sa'yo pero hindi mo man lang ako natingnan kahit isang beses. I..I wonder why? Hindi rin ako makapaniwala sa sarili ko. Hindi ko rin matanggap." OMG. What is happening? Mukhang dramang drama ngayon si Mamshie Sinta, ah! "Bakit kasi sa dinami rami ay ikaw pa ang nagustuhan ko, Lirik?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD