NILINIS ng babaeng paramedic ang dugo sa ilong ni Bryle habang hawak niya ang ice pack na nakalapat sa nose bridge niya na tinamaan ng suntok ni Zayne kanina. Nakaupo siya sa likuran ng nakabukas na ambulansya. Sa paligid ay abala sa mga tauhan ni Zayne na kasamang natiklo ang napili at naatasang mga pulis na makipagtulungan sa E.H.I.A. "Doon!" narinig niyang paasik na wika ng isa sa mga taga E.H.I.A sa dalawa sa mga tauhan ni Zayne habang nakaturo sa container van na pag-aari mismo ng sindikatong ito at ginagamit sa transportasyon ng mga illegal na kargamento. “Nahihilo ka ba o sumasakit ang ulo?" tanong ng paramedic sa ikatlong pagkakataon kaya napatingin siya rito, at kagaya kanina iling lamang ang isinagot niya. "Sige, maiwan muna kita rito. Sasalubungin ko lang ang iba pang mga p

