NANINIKIP ang dibdib at nangangatog ang mga tuhod na pumasok si Brianne sa doorway. Natatakot siya hindi lamang para sa sarili niya kundi pati na din para kay Bryle. Hindi niya alam kung ano'ng kayang gawin ni Ethan dito o maging sa kaniya oras na malaman nito ang ginawa niya, nilang dalawa ni Bryle. Sakali mang may gawing hindi maganda si Ethan kay Bryle, habang buhay niyang sisisihin ang kaniyang sarili. Nilakihan niya ang kaniyang mga hakbang habang hindi inaalis ang tingin sa direksiyon ng kitchen kung saan nakakalat ang liwanag na natanaw niya kanina buhat doon sa sasakyan ni Bryle. At dahil doon siya nakatingin ay hindi naging tiyak ang mga pag-hakbang niya sa ilang baitang na hagdanan na naging dahilan para magkamali siya at dumuplas ang paa niya sa kasunod na baitang. Pigil an

