FOR CAMILLA, life goes on. Nasasaktan siya ngayon dahil sa bigo sa pag-ibig pero kailangan pa din niyang magpatuloy sa buhay. Kailangan pa din niyang mag-move forward. Hindi siya pwedeng mag-stay lang dahil siya ang magiging kawawa. Hindi lang naman ang 'lalaki' iyon ang magpapasuko sa buhay niya. Sa halip ay gagamitin niya ito para mas maging malakas para magpatuloy. At first heartbreak lang ito ni Camilla, alam niyang darating ang isang lalaking mas deserving niyang mahalin, iyong lalaking mamahalin din siya ng lubos, iyong deserve din siya. Iyong tatanggapin kung sino siya. Hindi naman kasi porque nasaktan siya sa lalaking una niyang minahal ay isasara na niya ang puso, hindi naman ibig sabihin na kakalimutan na niyang magmahal ulit. Alam din kasi niyang parte lang ng isang buhay ang ma

