NAKATAYO lang si Camilla sa isang tabi habang pinapanuod niya si Hilario at si Sir Ford Dean ng sandaling iyon. Simula noong magsimula ang session ng dalawa ay nakatayo na siya ay pinapanuod ito. Tumatak kasi sa isipan niya ang sinabi ni Ford Dean noong nakaraang araw. Alam niyang may pagkakamali siya, inakala kasi niyang hindi siya kailangan sa check-up nito kaya nagpaalam siya na aalis. Hiyang-hiya din siya para sa magulang ni Ford na si Tita Dana at si Sir Franco. Humingi nga din siya ng sorry sa mga ito dahil sa lapses niya bilang private nurse ni Ford. At sinabi niyang hindi na niya iyon uulitin, that she will focus on her job as Ford private nurse. At kahit na sinabi nina Tita Dana na wala siyang dahilan para humingi ng sorry ay ginawa pa din niya. Hindi nga din siya iniimik ni For

