SHE'S still mad. Ramdam pa din ni Ford Dean ang galit na nararamdaman ni Camilla sa kanya. Ramdam na ramdam niya iyon sa paraan ng pakikitungo nito sa kanya. Ang lamig kasi na para bang wala silang pinagsamahan, pero ayos lang iyon sa kanya. Deserved niya iyon, deserved niya ang pakikitungo nito sa kanya dahil sa dami ng kasalanan niya sa lalaki. At kaya nga siya naroon ay dahil gusto niyang muling makuha ang tiwala nito, gusto niyang muli na makuha ang loob nito. Ilang beses nga din niyang sinubukan na kausapin ito, magpaliwanag pero hindi siya nito hinahayaan, hindi siya nito pinagbibigyan. Pero hindi siya sumuko. Kung gusto niyang bumalik si Camilla sa buhay niya ay hindi dapat siya sumuko, hindi dapat siya panghinaan ng loob. Dahil kapag may tiyaga, alam niyang may magandang patut
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


