CAMILLA woke up early. At gaya ng nakagawian niya ay nagluto siya ng breakfast para sa kanilang dalawa ni Sir Ford. Usual breakfast lang naman ang niluto niya, iyong madali lang din na iluto. Nang matapos si Camilla ay agad niyang inayos iyon at inilagay sa tray. Inihanda na din niya ang magiging breakfast niya kapag naibigay na niya kay Ford ang para dito. Hindi naman kasi siya tinatawag ni Ford kapag kumakain ito, mukhang wala itong kailangan kaya habang kumakain ito ay kumakain na din siya. Huminto siya ng makarating asiya sa tapat ng pinto ng kwarto nito. She knocked three times. "Sir, ready na po ang breakfast niyo," imporma niya. Alam din ni Camilla na sa sandaling iyon ay gising na si Ford. "Come in," mayamaya ay narinig niya ang baritonong boses nito mula sa loob. Nang marin

