Chapter 42:

1132 Words
YU'ER Napailing ako sa sinabi nito at muling binalingan ng tingin ang tatlo na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakagalaw o kahit magbigay lang ng emosyon. "Huwag niyo nang pansinin si Rio medyo baliw iyan!" saad ko na pumukaw sa kanilang diwa. "O? Okay na kayo? Bakit ba kayo nagugulat?" Syempre kahit na kinabahan din ako sa naging reaksyon ni Rio ay hindi ko naman iyon pwedeng ipahalata sa kanila at baka sabihin ng mga 'to na masyado akong sunod-sunoran kay Rio. Hindi iyon pwede lalo na at ayaw nga nila para sa akin ang lalaking 'to. "Hindi ka pa ba aalis, Rio?" tanong ko sa kanya. Ang akward naman kasi kapag nandito siya habang kinakausap ko ang mga babaeng 'to lalo na at kinikilala ko pa lang sila. "Hindi ba pwede na dito na lang muna ako?" Napabuntong-hininga ako at hinila siya palayo sa kanila Minji. Nang makasigurado kong hindi na nga maririnig ng huli ang pag-uusapan namin ay huminto ako at binitawan ko na siya. "Yu'er, hindi naman ako mag—" "I just want to talk to them without you, Rio, looked how akward they are when you are there. Hindi sila sanay na naroon ka dahil hindi ka naman ganoon sa akin dati," mahinahon kong turan. "Kaya nga sasanayin natin sila 'di ba?" Hinawakan nito ang aking kamay at marahan iyong pinisil. "Gusto ko lang na matanggap din ako ng mga kaibigan mo, Yu'er, ayaw kong isipin nila na napipilitan ako na tanggapin—" Marahan ko siyang binatukan dahil sa sinabi nito. Natatawa naman niyang hinuli ang aking kamay at dinala iyon sa kanyang labi. "Akala mo naman ipagpipilitan ko iyong sarili ko sa'yo, hmp!" Halata ang inis sa boses ko na maski ako ay nagulat. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis sa kanya kung alam ko naman na nagbibiro lang ito. "Nagtatampo na naman kaagad ang wifey ko. Ako nga iyong naghahabol sa iyo ngayon kaya mas dapat lang na malaman nila na—" "Hep!" Tinaas ko ang aking kamay para patigilin siya sa pagsasalita. Hindi kami matatapos nito lalo na at bumabalik na naman kami sa simula. "Ipakilala kita sa kanila sa susunod huwag na muna ngayon. Ipapaliwanag ko muna sa kanila ang mga pangyayari para hindi sila maguluhan, okay?" Umiwas siya ng tingin kaya kaagad kong hinawakan ang kanyang braso at inilapit ang katawan ko sa kanya. Minsan lang ako maglambing kapag alam kong hindi kaya ng talking power ko ang lalaking 'to. "Sige na, by, ipapakilala kita sa kanila bilang best boyfriend ko pagkatapos nito. Hayaan mo muna akong kausapin sila please?" I pouted my lips and looked at him with puppy eyes. I don't know if I look cute doing this or I really look like a real puppy right now. Ngunit kaagad na nawala ang mga ideyang iyon sa aking isipan nang biglang angkinin ni Rio ang aking labi. Magaan at mabilis lamang ang halik na iyon at pinakawalan niya rin naman ako, ngunit sapat na rin iyon para bulabugin nito muli ang aking puso. "Hey, lovers! Nilalamok na kami rito hindi pa rin ba kayo tapos r'yan? Huwag niyo naman ipamukha sa amin na single kami," natatawang asar ni Rain. Mabilis akong umatras palayo kay Rio sa sobrang hiya. "Come here na, Yu'er, marami pa tayong pag-uusapan!" Nilingon ko si Rio para magpaalam sa kanya. Tumaas ang kilay ko nang makita ang pilyong ngiti sa labi nito habang nakatingin sa akin. "Anong problema mo? Umalis ka na nga, Rio—" "You look like a tomato. Anyway, I need to go. Be careful, okay? Tawagan mo ako kapag may kailangan ka." Hinalikan muna ako nito sa noo bago umalis.  Bumalik na rin naman ako kaagad sa kanila Minji nang tuluyan na itong makaalis. "Kaya ka pala na-inlove sa lalaking iyon, ah? Hulog na hulog ba?" Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi dahil sa tanong ni Minji sa akin. Hindi ko alam kung bakit gusto kong mangiti habang pinag-uusapan namin si Rio. Ngayon ko lang naman kasi naranasan 'to kaya marami pa akong tanong sa mga bagay-bagay. "Namumula ka na at malapad na rin iyang ngisi sa labi mo. Mahal mo talaga?" tanong naman sa akin ni Annicka. Natigilan ako sa tanong nito. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasagot ang katanungan na iyan sa sarili ko, pero mayroong parte sa akin na sagutin ito ng oo.  "Hindi pa ba halata iyon, Anni? Tingnan mo nga ang babaeng iyan parang liliparin na sa hangin sa sobrang lutang dahil sa layo ng iniisip." Napakamot ako sa aking batok dahil sa sinabi ni Minji. "Ano na, Yu'er? Sigurado ka na sa lalaking iyon? Paano si Zane? Sa tingin ko ay bumalik ito rito para kay Rio." Ako nga ang nagpabalik sa kanya rito para kay Rio. Hindi ko naman kasi aakalain na ganito pala ang kahihinatnan ng mga pangyayari. "Bakit naman niya iisipin ang bruhildang iyon kung nagmamahalan naman silang dalawa ni Rio—pero teka nga, Yu'er, bakit biglang nagkagusto sa iyo ang lalaking iyon?" nagtatakang tanong sa akin ni Yu'er. Sa totoo lang hindi ko rin alam kung bakit nagkagusto sa akin si Rio. Siguro dahil sa matagal na itong hinahabol ni Yu'er? Sa halip na sagutin ay nagkibit-balikat na lang ako. "Huwag mo nang tanungin iyan, Rain, sa paghahabol pa lang nitong kaibigan natin ay nakuha na niya kaagad ang atensyon no'n. Maganda rin naman si Yu'er bakit hindi niya magugustuhan konc lahat naman ay ibinigay na niya rito?" Natigilan ako sa sinabi ni Minji. Si Yu'er at ang mga ginawa nito ay nagkaroon ng impak kay Rio. Iyon nga lang ako ang nakinabang doon dahil namatay na lang ito bigla na hindi man lang natanggap ang pagmamahal ng lalaking iyon. "Huwag na nga nating pag-usapan ang lovelife ni Yu'er. Saan mo pala kami dadalhin? Marami ka pang utang sa amin!" Hindi ako pwede sa dagat dahil maselan ang pagbubuntis ko. Hindi pa nila alam ang bagay na iyon at baka may mangyaring masama sa bata. Wala rin naman akong alam na pupuntahan dito. "Club? Matagal na tayong hindi nakakapunta roon." Mabilis pa sa alas-kwatro akong umiling sa suhestiyon ni Annicka. Kahit naman na gustuhin ko ay pagbabawalan din ako ni Rio, at ayaw kong ipahamak ang bata sa sarili kong kaligayahan. "Paano kung sa bahay mo na lang na bago? Doon na lang tayo, Yu'er," saad naman ni Rain.  "Hindi pa kasi iyon natatapos ang paglilinis. Kapag natapos na ay pwede iyon pero sa ngayon sa bahay na lang muna ng parents ko. Sleep over tayo, gusto niyo?" Sabay silang tumango at pumalakpak. "Good. Game kayo bukas Annicka, Rain?" "Sure, why not!" "Gigisahin ka talaga namin ng mga tanong, Yu'er," saad ni Rain sabay tawa nang malakas na sinabayan naman ng dalawa. Hay naku! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD