YU'ER
Dahil sa katuwaan nila ay hindi na ako nabigyan ng eksplenasyon ng mga 'to. Akmang lalapit si Minji sa isang lalaki nang hawakan ko ang laylayan ng kanyang damit at hinila siya sa may gilid.
"Bakit kayo nagdala ng lalaki rito? Baka pagalitan tayo ni mama at daddy," natataranra kong sambit.
Lumapit naman ito sa may bandang tainga ko at bumulong, "Aalamin lang natin kung may pakialam ba ang lalaking iyon sa iyo!" natatawa niyang saad sabay lakad pabalik sa kanila ni Rain.
Tiningnan ko ang mga lalaking nakikilag-usap na ngayon sa kanila kaya napabuntong-hininga na lang ako. Sigurado akong kaibigan din nila ito sa ibang paaralan.
Tiningnan ko ulit ang mensaheng ipinadala ni Rio at binasa iyon. "Bakit may naririnig akong boses ng lalaki r'yan, Yu'er?"
"Pauwiin niyo 'yan o bababa ako?"
Ilang lang iyan sa mga mensaheng nanggaling kay Rio dahil kung babasahin ko ay baka maubos ko ang isang araw. Mabilis na gumalaw ang aking mga daliri at nagtipa ng mga salitang makakapagpagaan sa nararamdaman niya ngayon.
"Hubby, uuwi rin ang mga 'to. Nahihiya kasi akong pauwiin sila dahil mga bisita ito ni Minji."
Nang matapos ay lumapit na rin ako sa kanila para makipag-usap at baka akalain nito ay hindi sila tanggap sa bahay ko na'to.
"Hi, I'm Miko, you are?" tanong ng lalaking may malalim na bilo-bilo sa mukha. May katabaan ang mukha nito pero hindi maipagkakaila ang kanyang angking ka-gwapuhan.
Inabot ko ang nakalahad nitong kamay. "Yu'er Marquis," nakangiti kong pakilala sa kanya.
"Yu'er? Maganda ang pangalan mo bagay sa iyo. Just like the moon you are calm and beautiful," nakangiti niyang saad.
Kung ibang babae lang sana ako tiyak kong kikiligin na ako sa mga salitang iyon, pero dahil nabihag na ni Rio ang puso ko ay tanging pag-ngiti na lang ang maibibigay ko sa kanya.
"Gusto mo pala ang mga ganoon? Parang aabutin ng isang linggo iyang ngiti mo, ah?"
Nagpasalamat ako kay Miko at umiwas ng tingin sa kanya nang mabasa ang mensaheng iyon ni Rio.
"Minji, may pupuntahan lang ako saglit." Tatayo pa lang sana ako nang bumangga ang aking paa sa nakaharang na binti ni Miko. Hindi ko kasi iyon nakita nang mabuti dahil sa kaba ko sa mensahe ni Rio.
Bago pa ako matumba sa sahig ay nasalo na ako nito. Nagkatitigan kaming dalawa katulad sa mga nakikita kong drama at nababasa kong nobela ay matagal na nagtagpo ang aming mga mata.
"You dare touch her?" Kaagad akong napalayo kay Miko at sinundan ng tingin ang pinanggalingan ng boses na iyon.
Nanlalaki ang aking mga mata nang makita si Rio na naroon habang nakatitig sa aming dalawa ni Miko.
Nakatiim-bagang ito at nakatingin sa amin nang matalim ang malalalim niyang mga mata. Nanayo ang balahibo ko dahil sa nakakakabang prensensya ni Rio. Pati tuloy sila ni Minji ay hindi na nakapagsalita.
"Sino ka?" naguguluhang tanong ng katabi ko dahil sa biglaang pagsulpot nito.
"Ako lang naman ang—"
"Aiyah, brother, nagkakatuwaan lang kami ng mga kaibigan ko. Doon ka na muna sa kwarto mo, hindi naman kami masyadong maingay 'di ba?" wika ko sabay hawak sa kanyang braso. Muntikan pa akong magkamali dahil sa pinipigilang tawa ni Minji.
Namumula pa naman ang buong mukha nito pati na rin ang kanyang tainga at leeg kaya nahihirapan din tuloy akong pigilan ang aking tawa.
Mas tumalum ang tingin nito sa akin kaya napaatras ako sa sobrang kaba. "Sumunod ka sa akin, Yu'er."
Gulat akong napatingin kay Rio dahil sa sinabi nito ngunit para hindi na tumagal ang usapan tungkol sa bagay ns ito ay nagpaalam muna ako sa kanila bago ito sinundan sa kanyang kwarto.
MUNTIKAN na akong mapatili dahil sa biglaang paghila sa akin ni Rio at pagpiin sa akin sa may pinto. Naiipit ako sa pagitan ng kanyang katawan at pinto na ito, ngunit wala pa rin yata itong balak na pakawalan ako.
"Rio, ano ba ang sasabihin mo sa akin? May mga bisita ako sa baba," mahinahon kong saad lalo na at alam kong may kasalanan ako sa kanya, dahil tinawag ko itong brother.
Pero anong magagawa ko? Hindi ko pa pwedeng ipaalam sa iba na nakatira kami sa isang bubong. Sapat na sa aking na ang tatlong iyon na lang muna ang nakakaalam, hanggat hindi ko pa natatapos ang isyu kay Zane.
Hindi ko rin alam kung ano ang patutunguhan ng kwentong ito lalo na at hindi na ang dalawang main lead ang nagkatuluyan.
"Ginagawa ba ng mag-kuya ang ganito."
Kumunot ang aking noo dahil hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. "Do what?" naguguluhan kong tanong.
"This," wika niya sabay halik sa aking bibig. Nanlalaki ang aking mga mata noong una dahil bigla na lamang nitong inangkin ang aking labi, ngunit nang hindi magtagal ay humalik na rin ako pabalik dito.
I encircled my hands around his neck when he nibbled my bottom lips. I almost fall! Kung hindi lang nito hawak-hawak ang aking bewang baka sa sahig na ako pupulutin dahil sa sobrang panginginig ang aking tuhod.
"Hey, sister, I like your lips," he said and smiled seductively. Pinamulahan ako ng mukha dahil sa pang-aasar niya sa akin.
Hindi ko rin naman aakalain kanina na maia-address ko siya sa ganoon. "Bakit ka pa ba natatakot na malaman ng iba ang relasyon natin? May balak ka bang maghanap ng ibang lalaki?" His eyebrows furrowed, halatang hindi sang-ayon sa mga ideyang pumapasok sa kanyang isipan at lumalabas sa kanyang labi.
"I'm sorry pero mas gusto ko munang maayos ang problema sa inyo ni Zane bago ipaalam sa lahat ang pangyayari sa pagitan natin."
"Sa amin ni Zane? Matagal na kaming tapos, Yu'er," kunot-noo niyang tanong. Hanggat hindi tumitigil si Zane ibig sabihin no'n ay hindi pa tapos ang lahat.
She's a protagonist after all. Wala akong panama sa angkin niyang karisma na bumibihag sa puso ng mga taong nakakasalamuha nito. At kapag hindi ito tumigil kakahabol kay Rio sigurado akong babalik at babalik pa rin ang huli rito dahil sila naman talaga ang tinadhana para sa isa't-isa.
"Okay fine para mapanatag ka na ay kakausapin natin si Zane bukas na bukas din. I only want you for me, Yu'er, ayaw kong makita kang hinahawakan ng iba." Napalunok ako ng muli nitong hinawakan ang aking mukha at inilapit ang kanyang katawan sa akin.
Akmang hahalikan ulit ako nito nang may kumatok sa kanyang pintuan. Kaagad kaming naghiwalay at inayos ang aming sarili.
"Istorbo hahalik pa lang ulit, eh," reklamo niya. Napailing naman ako kaagad at lumabas na ng kwarto nito para kausapin ang taong nasa labas. Sigurado naman akong sila Annicka iyon.
"Huy, Yu'er, mag-ayos ka nga!" Napahawak ako sa aking mukha at bumalik sa loob ng kwarto ni Rio, nakita ko pa itong natatawa kaya kaagad kong binato sa kanya ang sandal na suot ko.