Adriana’s Point of View Lumabas nga ako at dumeretso ng sala. Dinampot ko ang aking phone mula sa center table at binuksan ang isang food delivery app. Nagtingin ako ng mga restaurant na puwedeng pagorder-an ng makakain. Hindi ko alam kung ano bang gusto ni Steve. Well, he said anything. So, kahit ano na lang. Since, napagod din ako sa ginawa naming photo shoot kanina, kukuha na lang ako ng marami-rami. Bahala na kung naka-diyeta siya. Pagkatapos kong um-order ay hinarap ko kaagad ang aking laptop para simulan ang aking pagsusulat ngunit nag-pop out ang window ng messaging program kasabay ng pagtunog ng ringtone nito. Si Kuya Martin. Kaagad ko namang tinanggap ang tawag. “Hello, Kuya,” ang pagbati ko sa kanya. “Addie,” ang pagbanggit naman niya sa aking pangalan. “Napatawag ka bigla,

