Adriana’s Point of View “Why is that your favorite part of the song?” ang tanong ko sa kanya, nakaka-curious kasi. May jowa ba ito outside RnJ? O naiwang special someone sa Korea? Kung makapagsalita kasi siya ay parang in love siya kung kanino man. “I want to see you today, tomorrow, and the day after the another,” ang nakangiti naman niyang tugon. “That’s why I wanted to marry you.” Natigilan naman ako sa kanyang sinabi. “Aww, Steve is such a sweet guy,” ang komento naman ni Trixie sa harapan. Naririnig pala nila ang aming usapan. “Sana mayroon din akong bebe na in love na in love sa akin.” Hindi ko alam kung totoo nga ang kanyang hinihiling o may halo itong pagiging sarcastic. “Sa dami ng nagdadaang lalaki sa buhay mo, paniguradong mahahanap mo ang para sa’yo,” ang tukso ko naman

