Adriana’s Point of View Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa sofa. Masyado lang sigurong napagod ang aking isipan sa problemang dumating sa aking buhay. Minulat ko ang aking mga mata at napatingin kaagad sa screen ng aking phone. Ito ang pinaka-unang beses na ginagawa ko sa tuwing magigising ako. Napaupo naman ako at napatingin sa paligid. Napakatahimik. Ramdam na ramdam ko ang pagiging loner... ang kawalan ng jowa. Pero medyo nasanay naman na ako kaya keri-bells. I’m a strong, independent woman na hindi kailangan ng kung sino mang lalaki. Kaya naman, hindi ako makapaniwala na kailangan ko ng lalaki ngayon sa buhay ko. Tumayo naman ako at binitbit ang wine glass patungo sa kusina. Ngayon akong nakatakdang pumunta sa Strings of Fate para mabigyan na ng solusyon ang aking prinoproblema.

